Matutupad kaya ang pangarap na sundalo (2) | Bandera

Matutupad kaya ang pangarap na sundalo (2)

Joseph Greenfield |October 30,2017
facebook
share this

Matutupad kaya ang pangarap na sundalo (2)

Joseph Greenfield - October 30, 2017 - 12:14 AM

Sulat mula kay Raymond ng Castellano, Calatraba, Negros Occidental
Problema:
1. Isang taon na po akong stop sa pag-aaral, dahil alang pera pang enroll, kaya lang nang dumating dito sa aming province ang uncle ko para magbakasayon ang sabi nya mag-sundalo na lang daw ako. Kaya lang hindi ko alam kung makakapasa ako.
2. Sa bagay gusto ko din maging sundalo o kaya ay pulis, kaya nais kong ipabasa sa inyo ang aking kapalaran kung may pag-asa bang ako ay maging isang pulis o kaya’y sundalo kapag sinunod ko ang suggestion ng aking uncle na isang opisyal ng militar at nangako siya na susuportahan nya daw ako sa aking mga pangangaila-ngan. Isinilang po ako nuong April 18, 1998.
Umaasa,
Raymond ng Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing bagay na bagay nga sa iyo ang ma-ging sundalo. Sa nasabing larangan, sisikat at magtatagumpay sapagkat ang zodiac sign na Aries, ay pinaghaharian ng planetang Mars kung saan, si Mars sa mitolohiyang Griego-Ranano ay siya ring itinaguriang “diyos ng digmaan.”
Numerology:
Ang birth date mong 18 ay nagsasabing “tataas bababa ang iyong kapalaran, pasikot-sikot na landas ng buhay ang iyong dadaanan.” Ngunit sa sandaling ikaw ay nagtitiis at nagpakatatag, sa edad mong 36 pataas, maraming karangalan, malalaking suwerte at tagumpay ang iyong matatanggap.
Graphology:
Ang iyong lagda na kinakitaan ng mga matutulis na letra at salita ay nagpapatunay na ngayon palang nasasagap mo na ang tinatahak mong kapalaran. Kapag matutulis ang letra sa sulat kamy at lagda, ito ay nangangahulugang ng pakikipagsapalaran at pakikipaglaban.
Luscher Color Test:
Upang ikaw ay palarin at laging maligtas sa mga kapahamakan, kahit nasaang lugar ka pa, ugaliing magsuot lagi ng damit na kulay violet at red. Ang nasabing mga kulay ng magbibigay sa iyo ng proteksyon upang hindi ka mapahamak.
Huling payo at paalala:
Raymond ayon sa iyong kapalaran, sumunod ka lang ng sumunod sa mga pinapagawa sa iyo ng uncle mo, sapagkat nakaayos na ang iyong tadhana. Limang taon mula ngayon, magiging opisyal ka ng Sandatahang Lakas upang minsan pa sa kalinisan ng iyong puso at pagiging matapat at matapang, mapasimulan ang pagbabago sa kasundaluhan, na magbubunsod upang lalo pang umunlad at maging payapa ang ating inang bayan, kasabay nito sa nasabing larangan, magiging magiting ka at liligaya habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending