Iñigo, Maris hindi na pwedeng itambal sa iba

HINDI puwedeng itambal sina Inigo Pascual at Maris Racal sa iba dahil sila na talaga ang magka-loveteam, ito’y base na rin sa gusto ng kanilang fans.

Si Maris ang isa sa special guests ni Inigo sa kanyang thanksgiving concert na may titulong “Dahil Sa ‘Yo” sa Music Museum sa darating na Dec. 1.

Sobrang blessed naman ngayon si Inigo dahil sa kaliwa’t kanan nitong proyekto, hanggang 2018 na ang laman ng kalendaryo niya. Kuwento ng handler ni Inigo na si Caress Caballero, nu’ng nagsimula ang 2017 ay nanalangin si Inigo na sana’y umabot sa 12 ang product endorsements niya at matutupad naman yata dahil as of this writing ay nasa walo na, kaya sobrang saya ng binatilyo.

At higit sa lahat, hindi pa rin pala natitinag sa pagiging number one sa BillboardPH ang “Dahil Sa ‘Yo” ni Inigo sa loob ng limang buwan.

Samantala, magkakasama uli sina Inigo at Maris sa OneMusicPH concert na gaganapin sa Enchanted Kingdom sa Dec. 10.

Read more...