MAGTATAGAL ang pagbalik ng Marawi City sa dating anyo nito, sabi ni Felino Palafox, isang world-renowned Filipino architect.
Malaking pera ang gagastusin ng gobyerno sa rehabilitation ng Marawi—mga P400 bilyon.
Maghahanap ng panggagalingan ng pera ang gobyerno sa rehabilitation ng Marawi City.
Of course, maraming darating na grants at donations na manggagaling sa ibang bansa, pero tatanggapin lang ni Pangulong Digong ang mga ito kapag walang mga kondisyon.
Halimbawa, ayaw tanggapin ni Digong ang tulong na galing sa European Union (EU) dahil sinasabihan ng mga bansang ito na itigil na ang kampanya laban sa droga.
***
May kasabihan na ang nagdadala ng suwerte sa tao o lugar ay ang pangalan nito.
Ang matandang pangalan ng Marawi ay Dansalan.
Bakit hindi ibalik ang pangalang Dansalan upang mabawasan ang kamalasan ng lugar?
***
Which reminds me of a young woman in the Visayas whose name was Lourdes Duhaybilat.
Ang “bilat” (walang malisya ito, ha?) ay ari ng babae sa Bisaya. Ang “duha” ay dalawa sa Bisaya.
Kaya’t ang apelyidong Duhaybilat ay dalawang… alam mo na.
Nang tumuntong si Lourdes sa college, palagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase.
Dahil di na niya makayanan ang mga tukso sa kanya, kumonsulta si Lourdes Duhaybilat ng abogado kung paano niya babaguhin ang kanyang pangalan.
Kailangan daw ay ilapit niya sa hukuman ang change of name, sabi ng abogado.
Naintindihan naman ng judge si Lourdes kaya’t pinayagan ito na magpalit ng kanyang pangalan.
Ang bagong pangalan niya ngayon ay Lourdes Usaybilat.
***
Ang Moro at ibang katutubo lang ang di napilit na magpalit ng kanilang pangalan noong binigyan ng mga pangalan ng mga Pinoy ng mga Kastila.
Halimbawa, ang mga taong nagtatrabaho sa simbahan ay binigyan ng pangalang Sta. Maria, Santos, Delos Santos, Martir, Bautista, Campana, Cruz, Dela Cruz.
Ang mga nagtatrabaho sa gobyerno noong mga panahon na yun ay binigyan ng mga
pangalang Reyes, delos Reyes, Reina, Rodriguez, Caballero, Bandera, Castillo.
Ang mga negosyante naman ay Mercado ang mga pangalang may kinalaman sa negosyo sa Espanyol.
Ang mga may pangalang Montalvan, Montalban, Del Monte, Arenas, Asturias ay mga haciendero.
***
Nang dumating ang mga Amerikano at sinakop ang Sulu, na hindi napasok ng mga Kastila noon, ginaya nila ang mga unang pangalan (first names) ng mga Amerikano pero hindi nila binago ang kanilang apelyido.
Kaya’t ganito ang mga pangalan noong panahon ng mga Kano ng mga Moro sa Sulu: George Washington Ututalum, Abraham Lincoln Abubakar, Mussolini Izquierdo Umpak.
Ang mga katutubo sa Benguet at Ifugao ay inadopt naman ang mga pangalan ng mga American missionaries.
Noong hindi ko pa nakikita ang isang magaling na journalist at aking naging tapat na kaibigan na si Alex Allan na taga Benguet, akala ko ay Amerikano siya.
Yun pala yun ang binigay na apelyido ng American missionary na nagbinyag sa ninuno ni Alex.
Si Alex Allan ay isang true, blue-blooded Igorot.
***
Pilyo itong si Communications Secretary Martin Andanar.
Pero walang relevance ang kanyang description sa mga kritiko ni Pangulong Digong na taga Europe.
“Yung mga maingay na palaiyot, alam mo ang problema sa kanila hanggang ingay lang, wala namang napatunayan,” ani Andanar.
Ano naman ang kinalaman ng “palaiyot” (mahilig sa sex sa Bisaya) sa pagtutuligsa kay Digong sa kanyang war on drugs?
Ang mga babaeng European ba na bumabatikos kay Digong ay mga palaiyot din?
Kung ganoon, gusto ko silang makilala!