Kris Aquino echosera, eksenadora

KRIS AQUINO

NA-ENJOY daw ng members ng entertainment media ang bagong kaechosan ni Kris Aquino nang mainterbyu nila ito recently.

Kasi nga, nang tanungin daw nila si Kris kung kilala nito si Xander Ford, sinagot daw sila nito ng, “Sino siya?” or something to that effect. Hindi raw niya kilala si Xander Ford dahil puro British blogs lang daw ang binabasa niya.

Ows? Talaga Kris? Di mo kilala si Xander Ford? Mamatey?

Kung ikaw ay abreast with the entertainment pages of every newspaper sa bansa natin, imposibleng nakaligtas sa ‘yo si Xander Ford na nag-viral sa tabloids, social media, broadsheets and TV dahil sa pagpaparetoke niya ng mukha.

Kaya hindi kami naniniwala sa mga paeklay ni Kristeta na hindi pa niya kilala si Xander. You don’t have to like him para di mo siya marinig, Kris. Lumabas na naman ang pagka-brat mo, lumabas na naman ang pagka-matapobre mo.

Akala ba namin ay depressed ka dahil wala nang nangyari sa TV career mo pero nakukuha mo pang pasimpleng manlait ha. Akala ko ba’y madasalin ka, pero in denial ka pa rin sa mga bagay-bagay na nakikita sa mundong ibabaw. Baka na-insecure ka lang kay Xander dahil ilang linggo rin siyang nasa front page ng lahat ng diyaryo kaya sinasabi mong di mo siya kilala.

Kasi nga, gusto mo ikaw palagi ang nasa front page pero natalbugan ka ni Xander for some weeks na wala siyang ginastos. Kaloka si Kris, kaya siguro siya minamalas dahil hindi totoo sa puso niya ang pinaggagawa at pinagsasabi. Kaipokritahan its highest degree.

Gusto mo talaga ng one line Kris? At least si Xander ay honest na umaming nagparetoke samantalang ikaw, you have to spend so much para sa mga mamahaling make-up or pay so much sa make-up artists para magmukha kang maganda. Gets mo? You really think you’re pretty?

Well, it’s really on the eyes of the beholder. Ha! Ha! Ha! Pag nabasa mo ang column na ito, doon ko lalong sasabihin sa iyong you are lying na di mo kilala si Xander. Kasi nga ang column na ito ay nasa loob lang ng BANDERA while Xander’s face ay nakabandera sa front page. Alam mo naman ako, patola queen din. Kaloka ka!

q q q

Bakit ba tila nag-iimbita na naman ng bashers itong si Kris? Nakalimutan niya na marami ring puwedeng ibato ang mga tao laban sa kanya. Sana manahimik na lang siya. Sana maging mabait na lang siya.

Akala ba niya ay mabango pa ang apelyidong Aquino. Kung di lang sila nakaupo for the longest time, she wouldn’t get any accolade, ‘no!

Kung di naging presidente ang nanay at kuya niya, sa palagay ba niya she would get all those jobs na na-enjoy niya? Na pinagkakitaan niya ng limpak-limpak? Kaya dapat ay magpakabait na siya – hindi siya dapat nanlalait.

Hindi siya dapat nagtataray kahit pasimple. Kung siya at mga anak niya ang ma-bash, may paiyak-iyak pa siya at kung anik-anik ang pinagsisintir. Pero pag siya ang manghamak ng kapwa ay oks lang.

Ano ito? One-dimensioned na mundo? Siya lang ang puwede dahil rich and famous siya pero ang iba ay hindi? Not this time, Kris. Your time is gone. Period.

Ngayon ay nagtataka siya kung bakit pinagsarhan siya ng pinto ng mga networks, kung bakit walang lalaking sumeseryoso sa kaniya, kung bakit walang tunay na kaibigang nagmamahal sa kaniya? Iyan ay dahil sa ugali niya.

Masyadong taklesa, masyadong eksenadora, dahil akala niya cute siya. Hindi oy! Kaloka ang babaeng ito!

 

Read more...