NAGSIMULA nang mag-taping si Piolo Pascual sa comedy show na Home Sweetie Home last Wednesday. Si Piolo ang pansamantalang pumalit kay John Lloyd Cruz na partner ni Toni Gonzaga sa programa ng ABS-CBN.
Nakita rin namin si Piolo sa taping at magiliw naman siyang bumeso sa amin. Pero hindi na namin siya tsinika dahil kailangan na siyang isalang sa eksena.
Guest lang daw si Piolo sa show bagaman may nagbulong sa amin na baka abutin siya ng apat na buwan sa HSH.
Samantala, nakausap namin ang komedyanteng si Jobert Austria na isa mainstay ng HSH. Sabi niya, for as long as maganda ang rating nila tuloy lang ang taping nila kahit wala si John Lloyd. Marami kasi ang maaapektuhan kapag isinara ang show lalo pa’t nalalapit na ang Pasko.
Isa si Jobert sa labis na nalungkot nu’ng mabalitang magpapahinga muna si John Lloyd sa show. Nalungkot din siya sa mga naglabasang video scandal ni Lloydie sa social media.
Nu’ng una pa man daw naging malapit si Lloydie kay Ellen Adarna ay naalarma na si Jobert. May kakaiba raw siyang feeling towards Ellen. Pero siyempre, ano naman ang magagawa nila para hadlangan si Lloydie na mapalapit kay Ellen.
q q q
Pinatikim ng sikat na clothing line na Bench ang media at bloggers sa inaabangang major event nilang “Under The Stars (Bench Denim & Underwear Show)” sa MOA Arena on Nov. 18.
Reynang-reyna ang dating Miss Universe Philippines 2016 na si Maxine Medina habang nangunguna sa pagrampa kasunod ang iba pang female endorsers na sina Kim Domingo, Sanya Lopez, Bianca King at Beauty Gonzales.
Umaapaw naman ang mga muscle sa katawan ng male endorsers na sina Albie Casiño, Addy Raj, Bruno Gabriel (anak ni Lani Lobangco), David Licauco, Mark Mugen, Kiko Estrada at Marco Gumabao.
After ng press preview, nakausap namin si Ben Chan, every other year usually ginaganap ang kanilang underwear fashion show.
“But last year, hindi raw sila nakapag-mount nito, “So, we opted to do it this year. This time, you know, we’re quite prepared for our anniversary so it’s gonna be something bigger and better,” lahad ni Ben.
Nilinaw din niya na walang kinalaman ang isang active-feminist group sa nangyaring kontrobersya sa nakaraang fashion event nila kaya inabot ng three years bago ulit sila nagkarooon muli ng ganitong event.
“No, no,” sambit ni Ben. “It wasn’t because of that. Like what I said earlier ‘di ba, if we gonna do it next year, then, we have to do it this year, kasi 30th. Kung gagawa kami ng 29th we will going to do on the 31. Mas tama ‘yung ganito. ‘Yun lang ‘yun.”
q q q
Pagkatapos ng blockbuster film niya with Aga Muhlach, Dingdong Dantes at Enrique Gil na “Seven Sundays” mula sa Star Cinema, mapapanood naman si Cristine Reyes sa Halloween episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi sa ABS-CBN.
Eere ang episode ni Cristine sa MMK na may hashtag #MMKKulam kasama sina Marvin Agustin, Desiree del Valle, Yayo Aguila, Richard Quan, Belle Mariano, Jeff Gaitan at David Chua sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng at sinulat ni Nikki Bunquin.
Biktima ng kulam ang role na gagamapanan ni Cristine bilang si Cecille. Napangasawa niya si Marvin who plays the role of Benjie na na in-love sa ibang babae. Kung ano ang magiging kuneksyon ng babaeng ito sa buhay ni Cecille ang sabay-sabay nating tutunghyayan sa programa ni Charo Santos.
Huwag palampasin ang MMK Halloween special this Saturday pagkatapos ng Little Big Shots.