HINDI pa handa ang Kapuso singer-actress na si Gabbi Garcia na tumodo sa pagpapaseksi, pero willing naman daw siyang rumampa nang naka-2-piece bikini sakaling sumali na siya sa mga beauty pageant na matagal na niyang pangarap.
Sa nakaraang launching ng first single ni Gabbi, ang “All I Need” na siya mismo ang nag-compose sa tulong ni Christian Bautista, sinabi ng dalaga na 19 pa lang siya kaya bawal pang magpaka-daring nang bonggang-bongga.
Nagpatikim ng kanyang kaseksihan si Gabbi sa dalawang magazine cover na ginawa niya for November, isa para sa Mega Magazine (na kinunan pa sa iba’t ibang lugar sa France), at isa para sa Inside Showbiz. Aniya, hanggang patikim lang muna siya sa ngayon pagdating sa sexy pictorial.
Kahit daw sa magaganap na underwear and denim fashion show para sa ineendorso niyang clothing line kasama ang ka-loveteam na si Ruru Madrid ay wholesome pa rin siya, “Baby pa ‘ko. Magna-19 pa lang ako. I just wanna enjoy it muna.”
Samantala, kinanta rin ng Kapuso Princess ang kanyang recently released single na “All I Need” under GMA Records sa nakaraan niyang mediacon na agad lumanding sa 5th spot ng iTunes PH Top Songs.
“I wrote it together with Kuya Christian Bautista, he is also the co-producer and he was the one who pushed me to create my own music.
“The whole idea started last year, kasi ang istorya niyan, si Christian and I, we sang together in Eat Bulaga. Tapos in-approach niya ako, narinig niya ako kumanta. Sabi niya sa ‘kin, ‘How come you haven’t created your music?’
“Sabi ko, ‘Wala, concentrated pa ako sa serye and wala pa akong nakikitang opportunity to be able to venture into music.’ Tapos sabi niya, ‘You wanna create? Tara, gawa tayo,'” chika ng young actress.
“We started writing the whole song, super fast lang ‘yung song, an hour lang kaming magkausap, may kanta na kami. Sa songwriting kasi I feel like, in my opinion, the more na naging impulse mo lang siya and you write about it, mas okay, eh,” aniya pa.
Nilinaw naman ni Gabbi na hindi para kay Ruru ang kanta matapos ngang mabalita na pahinga muna ang loveteam nila, “It just came from personal experiences and the things that I’ve been through. It’s a general feeling. Tsaka nu’ng marinig niya ‘yung song, nag-congratulate pa siya sa akin. May GabRu pa rin naman, magkasama pa rin kami sa Sunday PinaSaya.”
Anong feeling na isa na siyang certified singer ngayon, “It is very fulfilling for me to have accomplished this type of area in my job, because singing is really my passion. Kahit before pa, you can always see me with a guitar na ready sa jamming. I’m very excited about this and I hope people would appreciate it.”
Available na for streaming and downloading ang “All I Need” in over 180 digital stores nationwide kabilang na ang iTunes, Spotify, Deezer, Amazon at Google Play Music.