Maine 2 beses gustong magpakasal: Isa sana sa beach at isa sa simbahan!

MAINE MENDOZA

SIKSIK na siksik ang laman ng “Yup I Am That Girl” ni Maine Mendoza. Hindi nakakabagot basahin dahil may personal touch ni Meng.

Very comprehensive kumbaga dahil sa walong chapters na nakapaloob sa book, detalyado ang ginawang pagbabahagi ni Maine sa kanyang naging buhay. Sinamahan pa ito ng ilang exclusive photos na ngayon lang na-publish.

Ang Chapter 1 ay tungkol sa pamilya ni Maine. Kasunod nito ang second chapter ng throwback. Then ang kanya namang “Maine Loves” ang nakapaloob sa Chapter 3.

Hugot naman ang nasa loob ng Chapter 4, then ‘yung “Achieve” sa Chapter 5, “Good Vibes” sa Chapter 6, “Life “Goals sa Chapter 7 at “Maine Support” sa huling chapter.

Nasa “Hugot” chapter ang AlDub Phenomenon na malaki ang naging bahagi upang mabago ang buhay niya ng 360 degrees. Nakapaloob doon ang convo nila ni direk Pat tungkol kay Alden Richards.

Bahagi ng sinulat ni Meng sa pagmi-meet nila ni Alden, “Still, meeting him was fate. It was wonderful, miraculous, extraordinary, and was indeed sweet serendipity. For some, it was nothing but luck and plain coincidence. But for me, it revealed the notion that miracles do exist. God made our story extra special.

“It was unexplainable. I simply glanced and smiled at him, and until now, all I can do is wonder at how that smile changed both our worlds. It changed everything. It changed us.”

Marami pang gustong gawin si Meng na nakasaad sa kanyang “Bucket List.” Pagdating naman sa kung saan gusto niyang ikasal, “I want to have two weddings – one in church, and another at the beach.”

Nagkaroon kami ng copy ng unang book ni Maine nang maimbitahan kami sa kanyang book launch last Thursday sa Activity Center ng Triinoma Mall through his manager, Rams David, ng Triple AAA Management.

Matapos basahin ang ilang bahagi ng “YIATG”, hindi kami nagtaka kung bakit nagkakagulo ang fans niya upang magkaroon ng kopya ng libro.

Mula sa back page ng book na gawa ng Summit Books, “Do you really know me? I express myself best through writing. Dive deeper into my dreams, fears and everything in between.

“What you’ll read is 100 % real and written from the heart. Sit back, relax and enjoy Kapag hindi niyo na-enjoy, bawi ako sa Part 2. Charot!”

Masama ang pakiramdam ni Meng nu’ng hapon na ‘yon. Pero hindi niya alintana ang nararamdaman basta mapaligaya lang ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Halos mangiyak-ngiyak siya nang lumabas sa stage. Hinding-hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal at suporta sa kanya ng solid fans niya at ng buong AlDub Nation.

Sa maiksing interview kay Maine, umaasa siyang kapupulutan ng aral lalo na ng mga kabataan ang kanyang libro. Payo niya, Dream big and work harder!”

Mabuhay ka, Maine Mendoza!

Read more...