Good pm, doc. Tanong ko lang po, ano po bang gagawin ko kasi di po ako tumataba kahit anong kain ko, 44 kgs lang ang timbang ko ano po ang gagawin ko? — Rhey, 21, Camarines Sur, …4283
Ano ba ang height mo? Sana sinabi mo para malaman natin kung sapat lang ang timbang mo. Magpakuha ka ng blood tests: CBC, T3, T4. TSH.
Ask ko lang po bakit everytime pinapainom ko ang anak ko ng celeen, nilalagnat siya? — 2447
Walang kinalaman ang Vitamin C sa lagnat ng anak mo. Makabubuting ipa-check up siya nang malaman kung may karamdaman ang bata.
Good morning doc. Ano po ba mga sintomas pag may sakit sa puso? Ano po ba ibig sabihin pag sumasakit yung utak ko? Minsan di ako makatulog nang tama kasi palagay ko may ugat na nakabara o etc.,masakit po talaga siya..– …6471
Iba’t-iba ang nararamdaman ng may sakit sa puso. Madalas masakit ang dibdib, nahihirapan huminga o hinihingal, madaling mapagod, mataas ang presyon sa dugo, nahihilo, mabilis ang tibok ng puso, namamanas, nangingitim ang labi at kuko (blue baby) at marami pang iba. Tungkol sa pananakit ng utak…sumasakit ang ulo, hindi po ang utak. Minsan parang tumitibok ang sakit, “VASCULAR HEADACHE” ang tawag dun gaya ng MIGRAINE.
Morning po doc. Heal. Tanong ko po, ano po ang dapat kong gawin para hindi mabuntis? Kasi hindi pa ako handang mabuntis dahil po sa responsibilidad sa pamilya. Ty Doc, @jenfrey gabriel @nanay, loves u. — Mia Maignos, 26, Davao City, 4976
Maganda ang pagpaplano ng pamilya ngunit sa paraan na natural at hindi artificial. Ang natural family planning methods ay madaling sundin at epektibo, walang kumplikasyon. Dapat lang na tingnan ito na hindi hadlang sa pagtatalik ng mag-asawa kundi mas makagaganda sa kanilang relasyon dahil mas madadagdagan ang respeto sa isa’t isa at hindi lamang titingnan ang asawa bilang isang “SEX OBJECT”. Sagrado ang pagtatalik ng mag-asawa.
Editor: May reaksyon o tanong ba kayo kay Dr. Heal? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.