Kahit nagluluksa, Jona go pa rin sa concert ni Regine

OUR baby Jona Viray proved to everyone again how professional she is as an artist dahil despite the death of her father ay tumuloy pa rin siya sa MOA Arena para sa guesting niya sa concert ni Regine Velasquez.

Kumbaga sa kasabihan, “the show must go on” and for her it’s a commitment kaya kahit nagluluksa, pumunta pa rin siya sa event.

Napakabait talagang bata nitong si Jona. Even during the time na na-confine pa ang daddy niya, she did her best to be by his side. Napasukan daw ng virus ang ulo ng dad niya kaya nagkaroon ng komplikasyon sa brain. It’s not easy for Jona dahil maliban sa napakahirap damdamin na ang magulang mo ay nasa hospital ay sobrang napakagastos pa nito.

Pero hindi niya iyon ininda and her family – inilaban nila ang kanyang tatay. They worked double time para matustusan ang pangangailangan sa hospital. Kaya we are praying na mabilis siyang maka-recover from this sadness. Walang may gustong mangyari ito kaya let’s help her move on a little faster.

Read more...