Kris walang intensyong palabasing bobo si James; proud lang sa katalinuhan ni Bimby

Mapunta naman tayo kay Kris who recently posted Bimby’s grades sa eskuwelang pinapasukan nito on her socmed account.

Ilang netizens missed her point, nira-rub in pa raw kasi ni Kris kung ano ang inadequacy meron ang tatay ni Bimby na si James Yap. Kesyo hindi raw nagmana ang bunga sa puno.

Wala kaming nakikitang subtle slur du’n ni Kris against James. Mas lumutang ang pagiging proud mom ni Kris rather than a demeaning ex-partner to James.

At ano’ng masama with Kris letting the world know that Bimby is doing very well in school?

Mas nakakahiya yata kung puro palakol ang mga grado ni Bimby as his poor class performance would surely reflect—not on James—but on Kris dahil ito ang kasama niya araw-araw.

Any parent proud of his child can relate to Kris, at hindi iisipin ng sinumang magulang na tirahin ang dati niyang karelasyon kung hindi man sila magka-level in terms of IQ or academic excellence.

While genetics contributes to a child’s well-being, walang intensiyon si Kris na pagmukhaing—bluntly put—bobo si James. It’s the mindless bashers who peddle these senseless assertions.

Read more...