Nagmumurang boobs ni Sanya Lopez agaw-eksena

HINDI maikakailang head turner talaga si Sanya Lopez. Ito ang pinatunayan niya nang rumampa para sa anniversary show ng isang clothing line. Ibang-iba naman ang aura ng Haplos lead star dito.

Nakakapanibago lang dahil kung demure ang peg niya sa serye nila ni Rocco Nacino sa GMA Afternoon Prime na Haplos, sa nasabing fashion show ay talagang nangibabaw ang kanyang kaseksihan dahil sa fierceness niya sa rampa. Agaw-eksena rin ang kanyang boobs dahil sa kanyang suot na bra.

Ayon nga sa kanyang mga social media followers, grabe ang beauty ni Sanya, mapa-off-cam or sa serye nilang Haplos, attention getter talaga.

Kaya naman ang mortal niyang kaaway sa serye na si Lucille (Thea Tolentino), inggit na inggit sa karakter niyang si Angela. Ang tanong, makatakas pa kaya ang dalaga sa masamang stepsister ngayong malapit nang umepekto ang sumpa nito?

Makatakas pa kaya si Angela sa tangkang pagbenta sa kanya nina Sol (Maurreen Larrazabal) at Lucille bilang sex slave? Makita pa kaya siya nina Gerald (Rocco) at Benedict (Pancho Magno)?

Read more...