BENTANG-BENTA ang kabastusan ng nag-iisang Phenomenal at Box-Office Star na si Vice Ganda sa kanyang “Ganda For All Concert” na ginanap last Sunday sa Araneta Coliseum.
Isa itong free concert para sa lahat ng mga sumuporta at tumangkilik agad-agad sa kanyang bagong business, ang Vice Cosmetics. Nagsilbi rin itong launching ng kanyang sariling line of lipstick na may iba’t ibang kulay at variants.
Pero in fairness ha, kahit libre ang concert ni Vice, talagang kinarir niya ang kanyang production numbers, pati na rin ang mga isinuot niyang costumes, kabilang na ang bonggang-bonggang superhero outfit niya sa opening number kung saan halos kita na ang kanyang kuyukot.
Siyempre, tawa nang tawa ang audience sa mga bagong punchline at jokes ni Vice, lalo na sa mga senior citizens at sa mga millennials. Pinagtripan din niya ang kanyang pinakamamahal na ina na talagang sinuportahan ang anak sa concert nito at sa bago nitong negosyo.
Waging-wagi sa mga fans ni Vice ang mga monologue niya tungkol sa tunay na kahulugan ng kagandahan, pati na rin ang mga bastusang hirit niya, lalo na ang tungkol sa kanyang nota at kung paano niya ito iniipit at itinatago para makapagsuot siya ng seksing outfit.
Hirit pa nga ng TV host-comedian sa audience, “‘Yan naman ang gusto niyo, kabastusan. Pero, ‘pag ako ang napahamak, wala akong kasama, mag-isa lang ako!”
Marami ring na-inspire sa mga hugot at gigil ni Vice tungkol sa kagandahan. Pinayuhan niya ang mga tao sa Big Dome na huwag magpapadikta at magpapaapekto sa mga taong nambabagsak sa kanila, lalo na sa usapin ng itsura.
Aniya, “Kailangang magsimula sa sarili natin ang confidence. Maniwala tayong maganda tayong lahat, maniwala tayong walang pangit sa mundo. At huwag tayong papayag na ma-down dahil lang sa mga sinasabi ng ibang tao laban sa atin.”
Sumugod din sa pa-concert ni Vice ang mga fans nina nina Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin at Marco Gallo na humataw din on stage kasama ang G-Force.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Vice ng ilang litrato na kuha sa kanyang matagumpay na concert with this caption: “Thanks to everyone who joined me as I celebrated BEAUTY in last night’s #GandaForAllConcert/Launch/Beauty Rally at the Araneta Coliseum.
“Don’t be a prison of society’s standards. Free urself. Define urself. Believe that you are beautiful. And don’t let other people’s bullshit tell you otherwise. @vicecosmeticsph!”
In fairness uli, bentang-benta ang mga variant/colors ng Vice Lipstick nsa mga millennials kabilang na rito ang Tarush, Kering-keri, Good Vibes, Kavogue, Aura, Hayabayabayu, Ganderz at Pag Ganern.