INANUNSIYO ng Social Security System (SSS) na bumalik na sa regular na proseso ang aplikasyon ng Unified Multi-Purpose Identification (UMID) cards kaya matatanggap na ito ng mga miyembro sa loob ng 30 araw mula sa pag-apply ng card.
Ipinaliwanag ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc
Balik na sa normal na panahon ang pagproseso ng UMID card matapos maputol ang produksyon nito noong kalagitnaan ng Pebrero ngayong taon sanhi ng pagkasira ng Central Verification System (CVS) na nasa pamamahala ng Philippine Statistics Authority (PSA). Sinisiguro ng CVS na ang biometrics ng aplikante ay nag-iisa at walang katulad.
Balik na sa normal processing time ang SSS-UMID cards at matatanggap na ng mga miyembro ang kanilang UMID card sa kanilang rehistradong address sa SSS sa pamamagitan ng Philpost delivery sa loob ng 30 araw pagkatapos ang data capture enrollment nila sa SSS branch
Inilalabas ng SSS ang UMID cards sa loob ng walong araw matapos ang matagumpay na aplikasyon at data capture ng isang miyembro at ipinapadala ito sa rehistradong address sa pamamagitan ng Philpost delivery sa loob ng dalawang linggo para sa National Capital Region at apat na linggo naman sa may mga naninirahan sa labas ng NCR.
Ang backlog sa UMID card production mula noong Pebrero ay natapos noong Setyembre.
Base na rin sa SSS ID Card Production Department, halos isang milyong UMID card applications ang naantala mula nang mag-overheat ang makinaryang ginagamit sa paggawa nito noong Pebrero. Naibigay na ng SSS ang halos isang milyong UMID cards sa mga miyembro nito sa pagtatapos ng Setyembre.
Sa kasalukuyan, naproseso at naibigay na ng SSS ang humigit sa siyam na milyong UMID cards sa mga miyembro nito.
Tumigil ang operasyon ng CVS dahil sa mainit na temperatura sa Data Center ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kung saan inilagak ng PSA ang CVS. Inilipat ng SSS sa PSA ang pamamahala sa CVS noong Hulyo 2015.
Pres ans Chief Executive Office Emamaniel F. Dooc
Social Security
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman,
Quezon City
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.