GIGIL na gigil na tinawag ng Malacañang na “cyber vandalism” ang ginawang pagbubunyag ng umano’y tatlong personal mobile number ni Pangulong Aquino ng isang hacker sa Facebook.
Ayon kay Presidential Communications Development Secretary Ramon “Ricky” Carandang, hindi titigil ang Palasyo hangga’t hindi natutunton ang suspek. “It’s cyber vandalism plain and simple,” ani Carandang.
Hindi naman inamin ni Carandang kung totoong mga numero nga ni Aquino ang nasa Facebook account ng hacker na gumamit ng username na pR.is0n3r.
Inengganyo ni pR.is0n3r, na mula umano sa grupong Anonymous Philippines, ang publiko na i-text o tawagan si Aquino sa tatlong numero.
“The majority are not getting answers to so many issues. It is difficult to speak to a person through go-betweens. If we send him a letter we’re not even sure he will receive it,” ayon sa hacker kaya umano niya inilathala ang tatlong numero ng Pangulo.
Nang tangkaing tawagan, hindi na gumagana ang tatlong numero.Sinabi naman ni Carandang na madali namang kausapin ang Pangulo.
“The President has always been accessible to the public. We don’t want to make too big a deal over this. We’re addressing it,” dagdag niya.