DU30 tinanggap na ang pagbibitiw ni Comelec Chair Bautista

PORMAL nang tinanggap ni Pangulong Duterte ang pagbibitiw ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

“We refer to your resignatiopn of the Commission on Elections. Upon the instruction of Presidente Rodrigo Roa Duterte, I wish to inform you that your resignation is hereby accepted, effectivey immediately,” sabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa kanyang sulat kay Bautista.
May petsa ang sulat kay Bautista na October 23, 2017.
Matatandaang nagbitiw si Bautista sa kanyang posisyon bagamat ito’y magiging epektibo lamang sa Disyembre 31, 2017.
Sa kabila ng pagbibitiw, tinuluyan ng Kamara si Bautista kung saan lumusot ang isinampang impeachment laban sa kanya.

Read more...