Binatilyo nabundol ng ambulansya, patay

Patay ang 13-anyos na binatilyo nang mabundol ng ambulansya sa Sta. Rita, Samar, Lunes ng hapon.
 
Agad nasawi si Ricardo Cajefe, Grade 7 student at residente ng Brgy. Lupig, dahil sa tinamong pinsala nang bumagsak sa kalsada, ayon sa ulat ng Eastern Visayas regional police.
 
Nabundol si Cajefe ng ambulansya (OW-7918) na pag-aari ng lokal na pamahalaan ng San Isidro, Northern Samar, ayon sa ulat. 
 
Minamaneho ni Arnel Ompod ang ambulansya patungong Tacloban City pasado ala-1, nang mabundol si Cajefe na bigla na lang umanong tumawid sa highway, ayon sa pulisya.
 
Agad namang sumuko ang driver sa isang detachment ng pulisya matapos ang insidente. 

Read more...