Binatilyo nabundol ng ambulansya, patay | Bandera

Binatilyo nabundol ng ambulansya, patay

John Roson - October 23, 2017 - 05:32 PM
Patay ang 13-anyos na binatilyo nang mabundol ng ambulansya sa Sta. Rita, Samar, Lunes ng hapon.   Agad nasawi si Ricardo Cajefe, Grade 7 student at residente ng Brgy. Lupig, dahil sa tinamong pinsala nang bumagsak sa kalsada, ayon sa ulat ng Eastern Visayas regional police.   Nabundol si Cajefe ng ambulansya (OW-7918) na pag-aari ng lokal na pamahalaan ng San Isidro, Northern Samar, ayon sa ulat.    Minamaneho ni Arnel Ompod ang ambulansya patungong Tacloban City pasado ala-1, nang mabundol si Cajefe na bigla na lang umanong tumawid sa highway, ayon sa pulisya.   Agad namang sumuko ang driver sa isang detachment ng pulisya matapos ang insidente. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending