P89M jackpot ng Grand Lotto

Inaasahang aabot sa P89 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola mamayang gabi (Lunes).
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nakakuha sa P85.9 milyong jackpot prize sa bola noong Sabado.
    Lumabas sa huling bola ang winning number combination na 25-11-28-06-38-55.
Umabot sa P21.2 milyon ang halagang itinaya sa naturang bola.
    Nanalo naman ng tig-P39,300 ang 27 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero. Tig-P710 naman ang 1,184 mananaya na nakalimang numero at balik ang P20 taya ng 20,578 mananaya na nakatatlong numero.
      Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...