Para sa may kaarawan ngayon: Magpaganda ka sa araw na ito dahil ang iyong ganda ang aakit ng suwerte at magandang kapalaran lalo na sa pinansyal. Sa pag-ibig, papungayin ang mga mata upang maakit ang masarap na romansa. Mapalad ang 9, 17, 25, 33, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Sa aking mga mata ang tunay na pag-ibig ay madadama!” Pink at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansyal, malapit na ang Holiday Season, dagdag na pag-iipon ang dapat ipatupad upang mas maging masaya ang nalalapit na kapaskuhan. Sa pag-ibig, ituloy lang ang magulong pakikipagrelasyon sa isang Sagittarius, mahirap mawalan ng minamahal kapag malapit na ang Simbang Gabi. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Om.” Bukod sa red ang blue ay buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—May darating na malaking halaga ng salapi! Tama ang iyong nakaugalian, mamigay. Habang namimigay ka, lalong lalago ang iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, mahalin mong lubos ang isang Virgo, siya ang tunay na ka-compatible mo. Mapalad ang 3, 6, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Aum-Bastan.” Red at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Isang kaibigan ang lalapit upang mangutang. Hindi mo siya dapat pautangin dahil dati ka niya nang hindi binayaran. Sa pag-ibig, higit na mas masarap gastahin ang salapi kung ito ay iuukol sa minamahal. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Migeta.” Gray at violet ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa pinansyal, tuloy-tuloy nang dadami at madadagdagan ang salapi habang laging kasama ang minamahal. Sa pag-ibig, lalong mag-iinit ang pakikipagniig sa isang Scorpio. Mapalad ang 2, 11, 18, 37, 40, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Green at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sundin ang pinapagawa sa iyo ng nasa itaas. Maghanap ka ng mga taong kapus-palad at wala ng inaasahan. Tulungan mo sila. Kapag nagawa mo ‘yan, mas maraming mga biyaya at pagpapala ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad ang 1, 7, 16, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Asato-Tomaso-Om.” Gold at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Bilis ang susi ng iyong pag-unlad at kaligayahan. Sa negosyo, kung anuman ang maisip mong produkto – simulan mo agad. Sa pag-ibig, bilisan ang pagpapapansin sa isang Libra upang mabuo agad ang isang mainit at masayang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 23, 28, 36, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Rama-Rama.” Silver at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Panahon na upang palakasin ang iyong suwerte. Lagi kang magpa-sexy at mag-ehersisyo. Pagkatapos mag-ehersisyo, kumain ng maraming gulay at mga prutas. Sa simpleng buhay na walang gaanong pinproblema, lalakas ang iyong suwerte at magdadatingin ang magangandang kapalaran. Mapalad ang 6, 17, 28, 30, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Gita-Om.” Orange at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Malapit na ang birthday mo! Simpleng selebrasyon na lang ang dapat upang makatipid. Ang salaping maiipon ay ilaan sa nalalapit na kapaskuhan upang pagtatapos ng taon maging masaya ang iyong pamilya. Mapalad ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Devah-Om.” Maroon at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pinansyal, tuloy-tuloy na sana ang magandang pasok ng salapi kaya lang nasasayang ito kasi bulaksak ka! Panahon na upang magtipid. Tandaang ang pagtitipid ngayon ay magiging kaginhawahan sa araw ng bukas. Mapalad ang 3, 12, 22, 37, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Magpapakawala ng malaking suwerte ang langit sa araw na ito, kailangang masapo mo. Ituloy mo lang ang walang angal na pagsisipag. Walang ano-ano, habang nagsisikap ka, ang dambuhalang suwerte ay tatama sa iyo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Maham-Rintun-Jaya.” Blue at silver ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Tigilan na ang madalas na pagpe-Facebook, walang itutulong na mabuti ang gawaing iyan. Ibuhos ang oras sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mahalin ang kasuyong Sagittarius, bago siya tuluyang mawala. Mapalad ang 4, 10, 19, 35, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Om-Pad-Me-Om.” Maroon at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Itutok ang inyong konsentrasyon sa nais mong makamit. Para dumami ang kita tutukan mo ang iyong mga ginagawa na may kaugnayan sa salapi ng hindi nanghihinaan ng loob. Sa pag-ibig, may masarap na romansa kung patuloy mong lalambingin at kikilitiin ang kasuyo masungit. Mapalad ang 2, 16, 27, 38, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Om-Agla-Om.” Red at blue ang buenas.
Horoscope, October 20, 2017
READ NEXT
Plane ticket muna bago passport?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...