Plane ticket muna bago passport?

NAGIGING estilo na ng Pinoy na kukuha muna ng kanilang mga plane ticket, magpapa-book patiuna at saka lamang titingnan kung valid pa ba ang kanilang mga pasaporte.

Ayon kay Asistant Secretary Frank Cimafranca ng Office of Consular Affairs ng Department of Foreign Affairs, ito ang madalas na problemang kinakaharap nila dahil nga sa dami ng mga kababayan nating kumukuha ng bagong pasaporte at nagre-renew araw-araw na nagtitiyaga at naghihintay ng kanilang mga online appointment schedule.

Lalong naghigpit ang DFA hinggil dito.

Maging kamag-anak mismo ng kanilang mga empleyado pati na travel agencies, limitado na lamang ang mga pribilehiyo.

Binigyang diin ni Cimafranca na hindi rin makatuwiran at unfair para sa mga kababayan nating nagsasakripis-yong makakuha ng appointment at naghihintay sa kanilang mga schedule, samantalang may ilan naman na basta na lamang magtutu-ngo sa DFA at maki-kiusap na pagbigyan silang makapag-renew ng pasaporte dahil nakapagpa-booked na sila ng kanilang mga ticket.

Dahil dito, animo obligado ang DFA na pagbigyan nga sila at maisyuhan ng bagong pasaporte o makapag-renew dahil may flight schedule na.

Hindi nila tatanggapin ang ganitong mga rason. Tangi lamang kung may sapat na dahilan na maipakikita ang isang pasahero na madalian nga ang kaniyang biyahe o di kaya’y mga dahilang pang-medikal ang siyang tanging pagbibigyan nila.

Kailangang magpakita ng katibayan ang sinumang makikiusap dahil hindi na nga sila aabot sa schedule ng kanilang flight at matagal pa ang appointment schedule na kaniyang nakuha.

Paalala ni Cimafranca, obligasyon ng bawat passport holder na mag-renew ng kanilang mga pasaporte anim na buwan bago pa ang expiration date nito.

Magkaroon ng sari-ling record ng mga expiration date ng mahahalagang mga dokumento.

Para naman sa mga pamilyang bumibiyahe, payo pa ni Cimafranca, mas mabuting isang petsa na lamang ng expiration ang kanilang mga pasaporte at nang hindi sila paisa-isa na nagre-renew lalo pa kung maliliit pa ang kanilang mga anak.

Sabay-sabay nang mag-apply at nang sabay-sabay ding nagrerenew. May mga kaso kasing nakakaligtaan na hindi pala nae-renew ang passport ng ilang mga anak at pagdating sa airport saka lamang nila madidiskubre na hindi na pala maaaring bumiyahe ang kapamilya.

Pribilehiyo ang pagkakaroon ng pasaporte. Maging responsable sana tayong lahat sa pag-ako’ sa responsibilidad na nakakabit sa pribilehiyong ito.

Si Susan Andes a.k..a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com

Read more...