IBA rin talaga ang trip sa buhay ng retokadong aktor-aktoran na si Xander Ford. Ang palagi niyang sinasabi ngayon y malapit na siyang magpakamatay dahil hindi na niya kaya ang mga negative issues na ibinabato laban sa kanya.
Sabi nga namin, ang mukha ay puwede iparetoke pero ang ugali ng tao ay mananatiling parehas. Kung mabait ka, kahit anong retoke ng mukha mo ay mabait ka talaga pero kung salbahe ka, kahit anong pagkukunwari mong magbait-baitan para makakuha lang ng mileage, lalabas at lalabas pa rin ang tunay mong kulay at some point in time.
Mula nang lumabas ang audio-video kung saan tinawag niyang sakang si Kathryn Bernardo, marami na ang pumuna sa kanya. Kinuyog siya ng KathNiel fans. Palusot ng lalaking hitad na ito hindi raw siya ang nagsabi noon kundi ang dating pagkatao niya bilang si Marlou Arizala.
At may pahabol pa siyang sablay na kesyo huwag daw mag-alala ang mga supporters nina Daniel Padilla at Kathryn dahil tutulungan daw niyang mas gumaling pa ang mga ito bilang artista.
Kapal naman ng fez, di ba? Anong ibig niyang sabihin? May napatunayan na ba ang Xander na ito? Anong alam niya sa pag-arte? May awards na ba siya as Best Chuchu Actor? Lakas naman ng hangin ng taong ito.
Epekto na ba ito ng mga itinurok sa mukha niya? In fact, kahit kaming mga taga-media ay nakakatanggap ng mga bastos na text messages – matinding panlalait sa isang taong gamit ang pangalang Xander Ford.
Kung siya man ito o hindi, ibig sabihin ay may kaangasan talaga ang chakang ito. Akala naman niya ay mawiwindang niya kami kung magtaray siya. Ngayon pa ba, mga Ining?
Anyway, ang madalas niyang bukambibig ngayon ay konti na lang ay magpapakamatay na raw siya. Tinatakot niya ang kanyang followers (kung meron pa ha) na kapag hindi na raw niya nakayanan ang pamba-bash sa kanya ay magsu-suicide na siya.
Hey, man! Hindi sinasabi iyan, ginagawa iyan. Sinong tinakot mo, kami? We don’t encourage you to commit suicide dahil isang malaking kasalanan sa Panginoon iyan pero you don’t say that. Hindi ginagawang panakot iyan? Para ano? To get public sympathy?
Para manikluhod sa iyo ang mundo at sabihin sa ‘yong, “Please huwag kang magpakamatay, the industry needs you. Maawa ka sa amin?” Ganoon ba ang gusto mong marinig? Baliw ka ba?
Nakakatawa ang chaka-turned-may konting hitsurang maangas na ito – akala niya siguro nagkakagulo ngayon ang buong mundo for him. Na-curious lang sila kaya ka nila sinundan sa social media, not because they will die for you.
Kaya ka nilalayuan ng lahat ng mga nakasama mo, mga dating tagahanga mo, dahil sa kayabangan mo. Tapos mananakot ka ngayon magpapakamatay ka. Sinong tinakot mo? Si Satanas?
Palala na nang palala ang mokong na ito. Kung anu-ano na ang lumalabas sa kanyang bibig. Dala raw ng depresyon. Puwes, ang pinakagamot actually sa depression ay dasal or if not go see a psychiatrist. Hindi suicide. Ugok ka ba?
Magpakabait ka para mahalin ka ng mga tao. Hindi yung kung anik-anik na kabulastugan ang pinagpapasok mo. Me echos ka pang di magti-taping pag di pinapasok ang mga friends mo sa studio. Nanakot pa? As if naman mamamatay ang isang TV show kung di ka mag-guest.
Hoy retokadong bata ka, maghunos-dili ka. Wala ka pang napapatunayan sa industriyang ito. Dumating ka lang, guguluhin mo. Ano ka sinuswerte? Magkape ka nga, yung walang tubig ka para nerbiyosin ka naman. Kaloka!
q q q
“Pag nakita ko ang Xander Ford na iyan, sasampalin ko talaga. Ang lakas ng loob na siraan si Kathryn, eh wala namang atraso sa kanya yung tao.
“Sasabihin niyang idol daw niya at inspirasyon si Daniel Padilla kaya niya ginamit ang Ford as screen name (Ford and tunay na apelyido ni Karla Estrada na mommy ni Daniel), tumigil ka nga retokadong pangit! Huwag lang kitang makasalubong talaga at sasampalin kita. Promise!” talak ng isang supporter ng KathNiel.
Naku, may paglalagyan nga ang ang Xander Ford na ito kapag hindi tumino.
Hindi na niya kailangang mag-suicide dahil sa mga galit na KathNiel pa fans lang ay luray na siya. Ha! ha! Ha!