2-0 Finals lead asinta ng Barangay Ginebra Gin Kings | Bandera

2-0 Finals lead asinta ng Barangay Ginebra Gin Kings

Angelito Oredo |October 15,2017
facebook
share this

2-0 Finals lead asinta ng Barangay Ginebra Gin Kings

Angelito Oredo - October 15, 2017 - 12:04 AM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
6:30 p.m. Meralco vs Barangay Ginebra
(Game 2, best-of-seven championship series)

MATAPOS magtala ng tambakang panalo sa Game One, target ng Barangay Ginebra Gin Kings ang ikalawang sunod na panalo kontra Meralco Bolts sa Game Two ng kanilang 2017 PBA Governors’ Cup best-of-seven championship series ngayong alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Bitbit ng Gin Kings ang momentum sa dominante nitong paglalaro sa Game One na ginanap sa Quezon Convention Center sa Lucena City, Quezon noong Biyernes ng gabi kung saan itinala nito ang 102-87 panalo upang angkinin ang 1-0 bentahe sa kanilang pangkampeonatong serye.

Hindi napigilan ng malakas na ulan ang Barangay Ginebra lalo na ang import nito na si Justin Brownlee na nakatulong ang mga kasamahan na sina Greg Slaughter, Japeth Aguilar, LA Tenorio at Kevin Ferrer upang ipadama ang mainit nitong pagnanais na muling tanghaling kampeon.

Matatandaan na binitbit ni Brownlee ang Gin Kings sa Game Six kung saan kinumpleto nito sa isang game-winning triple ang pagputol ng koponan sa walong taong pagkauhaw sa korona para iuwi ang kampeonato sa panghuling kumperensiya ng liga.

Nagtala si Brownlee ng 32 puntos, 19 rebound at anim na assist upang dominahin ang katapat nitong import na si Allen Durham na kumulekta ng 27 puntos, 14 rebound at walong assist sa Game One ng kanilang Finals series nitong Biyernes.

Ipinakita ng Gin Kings ang mainit na paglalaro sa loob ng court kung saan halos buong laban nito nabantayan ang Bolts na naghahangad makaganti mula sa nalasap nitong kabiguan sa huli nitong paghaharap sa finals.

“I’m sure they (Bolts) will come back strong,” sabi ni Gin Kings coach Tim Cone.

Tila isang bagong koponan naman ang Bolts na naghabol sa kabuuan ng laro kontra Gin Kings subalit hindi magawa na makapitan man lamang ang abante.

Hindi rin napigilan ng Bolts ang magandang paglalaro nina Joe Devance, Scottie Thompson at Sol Mercado para sa Gin Kings.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending