SABI nga sa inyo, a death in the family is always painful. Hindi biro ang mawalan ng mahal na kaanak much more kung batambata pa ito.
Like for Nadine Lustre, tao lang din iyan like all of us na kailangan ng little privacy sa panahon ng kanilang pagdadalamhati kaya let’s give it to her and her family.
Kung anuman ang inaasikaso ng pamilya nila as of the moment (about some legal complications dahil sa baril na ginamit ng kanyang nakababatang kapatid sa pagpapakamatay), ibigay naman sana natin sa kanila ang space. Kawawa naman.
Piece of advice lang din for Nadine, sa panahong ito, stop entertaining some bashers sa social media.
Nagluluksa ka pa kaya no time muna for the negative. Para hindi ka maapektuhan deadma ka muna sa social media. Alam mo namang we can’t please everyone. Heto nga o, namatayan ka na pero di pa rin kayang respetuhin ng mga naiinggit sa iyo.
Naaawa ako kay Nadine. Kayo man ang lumagay sa katayuan niya, hindi ito panahon para makipagbangayan sa kanya. Namatayan na nga ‘yung bata, bina-bash pa! The most that we can do is pray for her, na magkaroon siya ng enough strength para malagpasan ang pagsubok na ito.
Nakikiramay kami sa iyo, Nadine. God bless.