John Lloyd, Ellen nagpaplano nang magpakasal; sabay na magpapa-rehab

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

AFTER payagang mag-indefinite leave of absence sa kanyang mga commitment sa showbiz si John Lloyd Cruz, mas malaya na siyang nakakapag-post ng kanyang mga emote kasama si Ellen Adarna.

Magkasama sila ngayon sa Europe at ine-enjoy ang isa’t isa.

Dadalo umano ang magdyowa sa kasal ng kaibigan ni Lloydie na noon pa pala ipinagpaalam ng aktor pero dahil sa nakatali nga ang mga iskedyul niya, hindi siya basta-basta puwedeng lumabas ng bansa.

May mga kumakalat ding tsismis na may planong magpakasal ang dalawa roon lalo pa’t kalat na kalat na ang tsismis na buntis daw si Ellen? May nagsasabi naman na sabay silang magpapakunsulta sa mga propesyonal para mapigilan na ang kanilang pagiging “alcoholic”.

Ayon naman sa isang source, may papasuking business venture sina John Lloyd at Ellen na matagal na rin daw nilang planong gawin.

And yes, tama nga ang tsika na dahil dito ay mawawala na raw ang sitcom nilang Home Sweetie Home, kung saan nagsimula ang kanilang pagiging close.

Well, kung anuman talaga ang dahilan nila o alin man sa mga nabanggit ang totoo, maliwanag pa sa sikat ng araw na sila’y nagmamahalan at talagang ipinaglalaban nila ito sa lahat ng mga umeepal, humahadlang o kumokontra.

Read more...