Bisyo ni sikat na male star nabuking ng kaeksenang aktor dahil sa ilong

SA isang umpukan ng mga taga-showbiz ay na-ging paksa ang isang sikat at kontrobersiyal na aktor.

Maraming nanghihinayang sa kanyang career pero walang sinisisi ang grupo kundi ang mismong male personality rin na hindi nag-ingat sa kanyang mga ikinikilos at sinasabi.

Pero hindi na pala bago ang kanyang pagrerebelde, nangyari na pala ‘yun ilang taon na ang nakararaan, kaya lang ay hindi pa umeeksena nu’n ang social media.

Kuwento ng isang nasa umpukan, “Ginagawa niya nu’n ang isang serye, maraming nakakapansin na palaging mainitin ang ulo niya. Parang lagi siyang wala sa kanyang sarili. Konting bagay lang, umiinit na ang ulo niya!

“Minsan, may eksena silang ginawa ni ____ (isang mas may edad na male personality), may napansin sa kanya ‘yung male personality, may mga puti siyang dumi sa ilong.

“Akala nga nu’ng una nu’ng kaeksena niya, e, hindi lang siya nakapaglinis ng ilong niya kaya may sumabit na julangot. Pero hindi kulangot ‘yun, e!

“So, sinabihan siya ng kaeksena niya na bumalik sa dressing room, manalamin daw siya, para malaman niya kung ano ang sinasabi nu’ng male personality sa kanya.

“Pagbalik niya, e, wala na ang dumi niya sa ilong, malinis na, kaya ang sinabi na lang sa kanya nang pa-tapik nu’ng male persona-lity, ‘Ingat ka, ha? Hindi maganda ‘yan sa health mo.’

“Nu’n pa man, e, naging problema na siya ng mga nag-aalaga sa career niya, naagapan lang siya, saka wala pang social media nu’n, kaya hindi masyadong naging mai-ngay ang pagrerebelde niya,” kuwento ng isang miron sa umpukan.

Madali kasing maimpluwensiya ang male personality, mahina ang kanyang karakter sa pagtanggi, kaya madalas siyang nalalagay sa hindi magandang sitwasyon.

“Very weak siya, he can’t say no even to his closest friends. Puwede naman siyang tumanggi, pero hindi niya kayang gawin. Sobrang generous niya sa pakikisama.

“Kita n’yo ngayon, ganu’n na naman ang nangyari sa kanya. Kaya siya ang mali, siya ang nagkulang, walang kasalanan ang mga taong nakapaligid sa kanya dahil he allowed everything to happen,” pagdidiin ng aming source.

Read more...