Natagpuan ang improvised na bombang pinaniniwalaang tinanim ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa isang daan sa Talitay, Maguindanao, Sabado ng umaga.
Narekober ng mga pulis at sundalo ang improvised explosive device sa Brgy. Kuden dakong alas-8:30, sabi ni Chief Insp. Tara Leah Cuyco, tagapagsalita ng Autonomous Region in Muslim Mindanao police.
Pinaniniwalaang tinanim ng mga kasapi ng BIFF ang IED, na gawa sa mga bala ng 60-millimeter mortar, para pasabugan ang mga dumadaang tropa ng pamahalaan, aniya.
Nakatagpo ng cellphone malapit sa IED at ito ang pinaniniwalaang triggering device ng bomba, ani Cuyco.
Nadisarma ng mga miyembro ng Army Explosives and Ordnance Disposal Team ang bomba alas-8:45 at itinago ito upang di na makapaminsala, aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending