CLaudine kontra na tawaging susunod na ’Rico-Clau’ ang loveteam nina Joshua at Julia

CLAUDINE BARRETTO, JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO

DIRETSONG sinabi ni Claudine Barretto na ayaw niyang mabansagan ang pamangkin niyang si Julia Barretto at ang ka-loveteam nitong si Joshua Garcia bilang “the next Rico Yan and Claudine Barretto.”

“Ako, ayaw ko talaga. Ayaw ko na sila ‘yung next,” ani Claudine nang makorner ng ilang reporter sa nakaraang Star Magic Ball 2017.

Hirit pa ng dating Kapamilya actress, “Bilang pamangkin ko, I want na higitan pa niya yun sana. Given the right projects lang, she’s doing very well. Magaling siyang umarte. Naniniwala ako na kaya niya. Kaya nila.”

Maraming supporters ang JoshLia fans na nagre-request sa Star Cinema na gawan ng remake ang 1998 Claudine-Rico blockbuster movie na “Dahil Mahal Na Mahal Kita” na pagbibidahan nina Joshua at Julia.

Kahit si Claudine ay ay nagsabing perfect para sa tambalang JoshLia ang nasabing proyekto at willing din siya na gampanan kung sakali ang “liberated aunt” sa kuwento which was originally played by Jaclyn Jose.

Speaking of Joshua, puro papuri ang naririnig at nababasa namin mula sa mga viewers ng primetime series na The Good Son. Dalang-dala raw sila sa mga eksena ng binata bilang anak nina Mylene Dizon at Albert Martinez sa kuwento.

Narito ang ilang komento ng netizens sa akting ni Joshua sa TGS: “Ikaw na, ikaw na talaga Joshua! Dahil sa ‘yo napupuyat ako! Ang sarap-sarap mong panoorin lalo na kapag umiiyak ka. Ang sarap mong yakapin at patahanin! Hmp! Swerte ni Julia sa ‘yo!”

“Kung ikukumpara noong nagsisimula pa lang si John Lloyd Cruz, mas magaling pa rin si Joshua to think na first major serye niya ang Good Son! For me you’re the best son for all seasons!”

“Uwian na Bes. May nanalo na! May tatalo pa ba kay Papa Joshua? Siguradong siya ang tatanghaling Best Actor next awards season!”

In fairness, ilang linggo pa lang sa ere ang The Good Son pero hataw agad ito sa ratings game. In fact, last Oct. 3 (Tuesday), nasa ikaanim na pwesto ito sa Top 10 Most Watched Programs sa bansa with 19.5% national TV rating base sa survey ng Kantar Media.

Read more...