CEB tumangging bigyan ng grade ang ‘The Debutantes’

PINAGKAITAN muli ang Regal Entertainment ng Cinema Evaluation Board (CEB) na bigyan ng grade ang latest offering nitong horror movie na “The Debutantes.” Walang ibinigay na grade sa pelikula gaya ng ginawa nila sa “Woke Up Like This” nina Vhong Navarro at Lovi Poe.

Maraming nagtaka sa ginawang ito ng CEB. Maayos ang pagkakagawa ni direk Prime Cruz sa movie at impressive naman ang acting nina Miles Ocampo, Michelle Vito, Chanel Morales, Jane de Leon at Sue Ramirez.

Napuno nga ng tilian at hiyawan ang Cinema 2 ng Ayala Vertis North nu’ng premiere night last Tuesday. Predictable man ang flow ng kuwento na may mamamatay sa girls na nam-bully kay Sue pagsapit nila ng 18, ‘yung paraan ng pagkamatay nila ay sorpresa!

Swak na swak din ang sound effects, music at iba pang pananakot sa movie. Kaya naman sa ending, may sigawan na, may palakpakan pa!

Sa tuwing may producer na gumagawa ng pelikula, mahalaga sa kanila na bigyan ng grado ang produkto nito. Malaking tulong ito sa tax rebate kapag nabigyan ng Grade A o B ang proyekto nila. Hindi man ito maging blockbuster at mabawi ang puhunan, meron naman silang perang maibabalik mula sa taxes.

Instead of being an instrument upang ma-inspire pa ang producers na gumawa ng pelikula, nagiging dahilan pa ito upang ma-discourage ang ilang producers.

Wag ganoon, CEB! Makunsensiya kayo dahil milyon ang ginagastos sa paggawa ng pelikula, huh!

Read more...