Pia ‘bagsak’ sa unang sabak sa It’s Showtime; pero kinabog si Megan

PINAG-USAPAN din sa social media ang maikling buhok ngayon ni Pia Wurtzbach na una niyang ibinandera sa naturang ball.

Solo rin itong dumating dahil aniya, may sarili ring lakad ang boyfriend niyang si Marlon Stockinger, na early that day ay naging hurado sa grandfinals ng isang portion ng Eat Bulaga.

Napakaganda ni Pia that night at tunay namang nangabog siya among the best dressed celebrities sa annual Star Magic event.
Meron pang mga nagkumpara sa kanila ni Megan Young who came with Mikael Daez. Mas pinuri nga ang beauty ng dating Miss Universe kesa sa dating Miss World dahil nagmukha lang daw ordinary ang gown at aura ni Megan.

But how true ang nakalap naming chismax na nakakuha naman daw ng “poor rating” si Pia among the televiewers and some bosses nu’ng maging guest co-host siya sa It’s Showtime?

Bukod daw kasi sa halatang nerbyos na nerbyos ang dalaga ay kitang-kita na very dependent ito sa binabasang spiels na nakasulat sa kartolina. Ni hindi raw nito masabayan ang kakaibang wit and humor ni Vice Ganda kahit pa sa portion ng rampahan ng mga bading sa Ms. Q&A.

 

Read more...