Mga litrato ni Maymay sa 2017 Star Magic Ball like na like ni Tyra Banks

ANG bongga ni Maymay Entrata, ha! Hindi lang pala mga local fashion designer ang humanga sa classic at eleganteng look ng dalaga sa nakaraang Star Magic Ball 2017.

Pati pala ang international supermodel at TV host na si Tyra Banks ay napa-wow sa itsura at gown ng ka-loveteam ni Edward Barber sa nasabing event.

Matapos i-post ng Twitter users na sina @flipsidefeels at @jeeeyniii ang mga litrato ni Maymay sa social media ay humakot na ito ng libu-libong likes mula sa netizens, at na-shock ang lahat ng mag-like rin ang America’s Next Top Model creator na si Tyra.

Ang gown na isinuot ni Maymay ay gawa ni Mark Bumgarner.

Read more...