Lakas ng UP Maroons susubukan ng Adamson Falcons

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)

2 p.m. Adamson vs UP

4 p.m. UE vs DLSU
Team Standings: Ateneo Blue Eagles (6-0); DLSU Green Archers (4-1); FEU Tamaraws (4-2)); UP Fighting Maroons (3-2); Adamson Falcons (3-2); NU Bulldogs (2-4); UE Red Warriors (0-5); UST Growling Tigers (0-6)

SA umpisang bahagi ng season ay nagpakita ng kakaibang lakas at tikas ang kadalasang kulelat na University of the Philippines Fighting Maroons.
Sa unang limang laro ay may “winning record” ang Maroons na may 3-2 kartada at katabla sa ikaapat na puwesto ang Adamson Soaring Falcons.
Umpisa alas-2 ng hapon ay muling mapapalaban ang Fighting Maroons sa karibal na Falcons sa pagpapatuloy ngayon ng 80th UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Ang magwawagi sa sagupaang ito ay aangat sa pangatlong puwesto katabla ng Far Eastern University at ang matatalo ay babagsak sa panglimang puwesto katabla ng National University.
Sa isa pang laro ay asinta ng De La Salle Green Archers na masungkit ang ikalimang panalo sa anim na laro laban sa wala pang panalong University of the East Red Warriors.  —Angelito Oredo

READ NEXT
2-0 lead pakay ng Ginebra kontra TNT
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...