Pagretoke sa ilong ni Arci palpak


TALK of the town si Marlou Arizala ang dating “chararat” wannabe dancer na pinagmukhang “matinee idol” ng plastic surgeon na si Dr. Eric Yapjuangco ng ICON Clinic. Kilala na siya ngayon bilang si Xander Ford.

In fairness hindi mo talaga makikilala ang dating Marlou sa itsura ngayon ni Xander maliban sa boses. Kaya heto, instant internet sensation ang binata at marami rin siyang na-inspire sa kanyang kuwento at nagsabing gusto na rin nilang magparetoke.

Hindi naman maiwasan na madamay si Arci Muñoz sa istorya ni Marlou, lalo na kapag napapanood ang aktres sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin. Balitang kamakailan lang ay nagpagawa raw ulit ng ilong ang dalaga.

“Itong si Arci dapat doon na lang nagpagawa sa umopera sa mukha ni Xander, hindi na-perfect ang ilong niya, e. Lalong sumama ang itsura kapag nakatagilid at nakaharap siya,” sabi sa amin.
Bagama’t nagsalita na si Arci sa pagpaparetoke ng ilong ay hindi naman daw ito big deal, buhay naman daw niya ito at karapatan niya kung ano ang gusto niyang ipabago sa itsura niya.

Pati tuloy kami kapag nanonood ng Ikaw Lang Ang Iibigin ay napapatitig na kay Arci. Pero in fairness, sakto ang pagpasok ng aktres sa serye nina Gerald Anderson at Kim Chiu dahil may comic relief na.

Masyado kasing seryoso ang karakter ni Gerald sa kuwento kaya kailangan niya ng isang Arci para gumaan naman ang buhay niya.

Ipinasok na rin ang isa pang seryosong si JC Santos na nagkakagusto kay Kim na seryoso rin ang karakter kaya ang kaibigan nitong stage actress-TV host na si Via Antonio ang nagpapatawa sa dalawa.

Read more...