Mother Lily may sorpresa sa mga manonood ng ‘The Debutantes’

MAKABAGONG estilo ng horror movie ang hatid ng director na si Prime Cruz sa latest work niyang “The Debutantes.”

Ang tawag niya rito ay color horror film dahil may kaugnayan ang iba’t ibang kulay sa trahedyang kasasapitan ng lead characters na ginagampanan nina Miles Ocampo, Michelle Vito, Channel Morales, Jane de Leon at Sue Ramirez.

Pero kahit lima ang female leads ng bagong Regal movie, pantay-pantay ang treatment niya sa mga eksena ng girls.

Ang pelikula rin ang biggest break ng lima dahil sila ang magdadala ng kabuuan ng movie.

Kaya naman sa araw na ito, judgment day na kung kaya ba nilang akitin ang manonood para panoorin ang madugong horror film ng taon.

May added bonus ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa manonood ng pelikula. Ilalabas sa mga sinehan ang teaser at trailer ng upcoming movies nila.

Una na rito ang teaser ng love story-drama nina Barbie Forteza at Ken Chan, ang “This Time I’ll Be Sweeter” na mapapanood na sa Nov. 1.

Magbunyi rin ang fans nina Elmo Magalona at Janella Salvador dahil masisilip na nila ang trailer coming film nilang “My Fairy Tail Love Story.”

Mapapanood din ang teaser ng isa pang horror movie na “Haunted Forrest” na pinagbibidahan nina Jane Oineza, Maris Rascal at Hashtag Jameson Blake pati na ang “Recipe For Love” nina Christian Bables at Cora Wadell mula sa direksyon ni Joey Reyes.
Ibang klase talaga ang Regal, di ba?

Read more...