Petsa, venue ng kasal nina Anne at Erwan pahulaan

ERWAN HEUSSAFF AT ANNES CURTIS

AWRA at rampa-rampa muna ang drama ni Anne Curtis sa Los Angeles, California.

Umalis ng bansa nu’ng Huwebes ang TV host-actress pero special trip lang ang caption niya sa kanyang Instagram post kasama ang sister na si Jasmine Curtis- Smith.

Kumalat siyempre ang ispekulasyon na ikakasal na si Anne this week kay Erwan Heussaff. Mula sa aming source ay wedding gown fitting pa lang ang pakay ni Anne sa LA at sa November pa talaga ang wedding.

Sa mga malalapit na kaibigan ni Anne, si Isabelle Daza ang kasama niyang rumampa sa Amerika. Si Solenn Heussaff naman ay nasa Paris base na rin sa latest IG post niya.

May movie commitment pa si Anne sa pagkakaalam namin kaya malamang na tapusin muna niya ito bago ang kasal nila ni Erwan sa darating na November.

Read more...