Kim: Bata pa lang ako pangarap ko na talagang maging public servant!

KIM CHIU

ALAM n’yo bang isa sa mga pangarap ni Chinita Princess na si Kim Chiu ang maging public servant?

Yes, bata pa lang daw siya ay gusto na niyang makatulong sa mga kapuspalad nating mga kababayan, lalo na sa mga batang hindi makapag-aral dahil sa kahirapan.

“Pangarap ko talaga ‘yon, ang magsilbi sa mga tao. Wildest dreams ko ‘yon. Tapos isa rin gusto kong maging bussinesswoman,” ang pahayag ng Kapamilya leading lady sa launching ng kanyang bagong album na “Touch Of Your Love” under Star Music.

Hirit pa ni Kim, “Dati nu’ng hindi pa ako artista, gusto ko maging cashier, taga-bilang ng pera ng ibang tao o teller sa bangko.” Kapag daw hindi na siya masyadong busy, balak niyang karirin ang pagkakaroon ng fashion business.

Bukod sa mga mall tour at promo activities para sa kanyang album, napapanood pa rin ang dalaga bilang ka-loveteam ni Gerald Anderson sa daytime drama series na Ikaw Lang Ang Iibigin. Tinatapos na rin niya ang kanyang latest movie na “The Ghost Bride” kasama sina Matteo Guidicelli at Alice Dixson.

Read more...