‘Bakit nga ba naging hurado sa Tawag ng Tanghalan si K Brosas?’


YOU don’t compare a sweet apple to a green mango. Though parehong masarap, nasa panlasa talaga natin kung ano ang gusto nating kainin.

Ang sweet apple kasi ay mananamnam mo as is pero ang green mango, kailangan pa ng bagoong or asin or patis para ma-enjoy mo ang lasa. Ganyan din sa mga performers, ang talent kasi ay inborn. It’s either you have it or you don’t.

Merong ibang “have it” pero kailangan pa ng ayuda para ma-appreciate mo ang performance. Kumbaga sa singer, some can get away with musical instruments dahil kaya nilang mag-acapella ngunit may iba namang nai-enhance ang boses pag sinabayan ng mahusay na band players.

Kahit sa mga stand-up comics, merong ibang di na kailangang magsalita pa sa stage para matawa ka. Probably dahil sa looks nila na unique o sa suot nilang nakakatuwang tingnan. Meron namang kailangan pang mag-effort to the highest degree para maging effective. Kailangan sa stand-up comics ay mabilis ang utak mo lalo na itong situational comedy – naku, pag mabagal kang mag-react, sa kangkungan ka pupulutin.

Why am I saying this? Kasi nga, laman ako ng comedy bars and I saw many of these stand-up comics perform. Linggu-linggo halos ay napapanood ko sila. Lalo na sina Gladys Guevarra at K Brosas na nasisilip ko ang shows sa Zirkoh and Klownz often, malayo namang di-hamak na mas magaling si Gladys compared to K. Kahit noon pa man, nu’ng magkasama pa sila sa grupong Gladys and The Boxers with K.

Kumbaga, isiningit na lang si K sa grupo because Backroom thought that she was a potential star just in case magloka-lokahan si Gladys. Para hindi lang mawalan ng work ang banda kumbaga. Medyo magulo pa ang utak kasi ni Gladys noon kaya nakapasok itong si K Brosas na ang entrance sa singing ay ang pagiging kaboses ni Ms. Malu Barry, aminin?

Nakakakanta naman si K pero limited ang kaya niyang abutin. Mabuti na lang at kahit paano ay marunong namang magpatawa kaya kapag mataas na ang tono ay nagko-comedy na lang siya.

Gladys is pitch-perfect – belter naman kasi ang babaeng iyan ever since and her style of comedy ay effortless. Natural kasi siyang bumanat. Bright girl kumbaga. Sa totoo lang, comic diva si Gladys, star material. In fact, star na talaga siya noon when she was with Eat Bulaga pa pero naudlot iyon nu’ng mag-semi-retire siya in the name of love. Mabuti na lang at nakabalik ulit siya at umaarangkada with Boobsie Wonderland sa Sunday show ng GMA 7 na Sunday PinaSaya. Kaya sana tuloy-tuloy na ulit si Gladys sa kaniyang showbiz career. Huwag nang magloka-lokahan sana sa pag-ibig.

Si K Brosas naman is the middle-of-the-road type of an artist. Yung di naman masyadong sikat, di naman talaga kagalingan pero marunong naman kahit paano. Marami nga ang nagtataka at nagtatanong kung bakit ginawang judge iyan sa Tawag Ng tahanan sa It’s Showtime eh, wala naman daw malaking credentials iyan sa music. Masyado raw pilit ang pagiging hurado niya.

We also realized that, bakit nga ba kinuhang hurado si K, eh wala naman masyadong name, hindi nga naman kagalingan talaga. She is very regular. Eh ganoon talaga, malakas siguro sa management ang kanyang manager. Hayaan n’yo na lang, kailangan ni K ng trabaho kaya huwag n’yo nang pag-initan. Ha! Ha! Ha! As a comedienne, mediocre din ang dating ni K Brosas. Sometimes she is funny pero most of the time ay boring siyang panoorin. Plus sometimes pilit ang pagpapatawa niya pero naitatawid naman kahit papaano.

Kaya di siya gaanong mabenta siguro compared to Gladys. Kailangan kasi ay marunong mag-reinvent ang isang artist para tumagal sa industriyang ito. Dapat laging may bago sa kanila para magmukha silang interesting palagi sa audience. Hindi puwede yung papatay-patay at mapag-iiwanan ka talaga.

Pero in fairness, masuwerte na ring maituturing si K dahil for whatever little she has ay naka-penetrate siya nang konti sa showbiz. Good enough. She must be thankful at nabigyan siya ng maliit na espasyo sa mundong ito.

Anyway, we always enjoy Gladys’ antics onstage plus that wonderful voice! Whew! Galing niya talaga. Kay K? Well, kahit di ko siguro siya mapanood for 10 decades, it wouldn’t change my life.

q q q

Happy birthday sa ilang friends natin sa mundong ibabaw, kay Boy de Leon ng Malinta, Valenzuela na sobrang sayang kasama kahit may pagka-echoserang frog din at times. And of course, sa very dear friend kong si Carlo Nazareno who is based sa Chino Hills, California. Enjoy your day, my dear buddies. Mwah!

Read more...