Nanghihinayang sa oportunidad

DEAR ateng Beth,

Masaya naman po ang buhay-pamilya ko. May maayos na trabaho ang mister ko at kaya niyang suportahan ang pag-aaral ng dalawa naming anak. Sapat lang na maiututring ang buhay namin. Thank you na lang din kay Lord at hindi kami sumasala sa pagkain.

Ang kaso po, parang lately nakakaramdam ako ng boredom. Hindi po ako nakapagtrabaho simula po nang magkaanak ako. Sa bahay lang.

Ngayon po naiisip ko parang nasayang yung mga taon na napalampas ko. Bakit hindi ako nagtrabaho, bakit sinunod ko yung mister ko na dapat sa bahay lang ako dahil ako ang dapat tumingin sa mga anak namin. Ngayon ko po naisip na bakit ko pinalampas yung mga dating opportunities sa akin.

Minsan, naawa ako sa sarili ko. Para akong walang achievement sa buhay. Tama ba itong nararamdaman ko? Roselle, ng Marikina City

Halu Roselle,

Ano ka ba naman? Ang sarap na nga ng buhay mo naghahanap ka?

Bored ka nga lang ateng Roselle. Sabi mo nga nasayang yung mga panahong “wala kang ginagawa”

So bakit di mo kausapin ang mister mo. Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo. For sure mauunawaan ka naman niya.

Hindi pa naman huli ang lahat. Pwede ka pa ring mag-work at the comfort of your home. Pwede kang mag-online business, o mag aral mag-bake, sewing, plumbing, upholstery, carpenty, kahit ano pag aralan mo, kung gusto mo. Kasi wala na yung opportunity na wika mo ay napalampas mo? So gawa ka na lang ulit ng mga opportunities.

Kaysa magmukmok ka, kilos na! Sali ka sa PTA ng mga anak mo, sa home owner’s association, sa barangay patrol ninyo. Maraming bagay na pwedeng gawin na pwedeng maging kapakinabangan mo at ng komunidad mo rin.

Magplano rin ng weekend ninyong pamilya. Mag babysit ka kaya ng hindi na baby. Pwede rin mag-tutor. Mag-gardening ka kahit sa mga kapitbahay mo. Mag manicure/pedicure at kumpitensyahin ang favorite salon mo. Andaming pwedeng gawin kesa maawa ka sa sarili mo.

Huwag mo na panghinayangan yung noon na hindi na maibabalik. Stop having self pity party and start doing something no.

May tanong o problema ka ba na nais mong isangguni kay Ateng Beth? I-text na 09156414963

Read more...