‘The Good Son’ waging-wagi agad sa rating

JOSHUA GARCIA , JEROME PONCE AT NASH AGUAS

PAWANG good reviews ang nabasa namin mula sa mga nakapanood ng pilot episode ng teleseryeng The Good Son nitong Lunes kaya naman nakakuha agad ito ng 18.1%.

At dahil nabitin sa unang episode ay inabangan ulit ito ng viewers nitong Martes kaya nanalo uli ang TGS sa ratings game (17.7%) base sa Kantar Media nationwide ratings.

Kanya-kanyang kuwentuhan na ang bawat supporters ng apat na bidang young actor sa serye na sina Joshua Garcia, Nash Aguas, Mccoy de Leon at Jerome Ponce tungkol sa galing nilang umarte.

Puring-puri rin nila ang mga award-winning and veteran stars na sina Eula Valdez, Liza Lorena, Mylene Dizon, Alexa Ilacad, Loisa Andalio, Jeric Raval, Kathleen Hermosa, Ronnie Lazaro at John Estrada.

Sabi nga, bawal ang hindi marunong umarte sa The Good Son dahil maiiwan ka at ayaw naman sigurong mapulaan ang mga nabanggit kaya talagang pinagbubuti nila ang kanilang mga eksena.

Ang The Good Son ay mula sa direksyon nina Andoy Ranay at Manny Palo handog ng Dreamscape Entertainment mula sa pamamahala ng bagong business unit head na si Erick Salud.

Read more...