5-0 kartada target ng Ateneo

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. FEU vs NU
4 p.m. Ateneo vs UST
UAAP Standings: Ateneo (4-0); UP (3-1); La Salle (3-1); NU (2-2); FEU (2-2); Adamson (2-2); UE (0-4); UST (0-4)
HANGAD ng Ateneo Blue Eagles na mapalawig pa sa 5-0 ang maigting na panimula nito sa men’s basketball tournament ng ika-80 season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa Smart Araneta Coliseum.
Makakasagupa ng wala pang talong Blue Eagles ngayon ang wala pang panalong University of Santo Tomas Growling Tigers na nasa ilalim ng ng team standings at may 0-4 baraha.
Una munang maghihiwalay ng landas ang magkasalo sa tatlong koponang ikalimang puwesto na Far Eastern University Tamaraws at National University Bulldogs sa ganap na alas-2 ng hapon bago ang tampok na sagupaan ng Blue Eagles at Growling Tigers umpisa alas-4 ng hapon.
Napaangat ng Tamaraws ang kartada nito sa 2-2 matapos huling biguin ang Growling Tigers, 78-65, habang nalasap ng Bulldogs ang ikalawang kabiguan sa loob ng apat na laro matapos huling mabigo sa Adamson , 76-83. —Angelito Oredo

Read more...