Laos na aktor nasira ang buhay dahil sa sobrang kayabangan

PINAGKUKUWENTUHAN ng mga becki sa isang umpukan ang isang male personality na sumobra sa alat ang career nitong mga huling taon.

Kung gaano kainit ang kanyang pangalan nu’ng kalalabas lang ng kanyang grupo sa isang malaking bahay ay dinaluyong naman siya ng mga problema pagkatapos.

Hindi maganda ang kinauwian ng kanyang personal na buhay, nagkahiwalay sila ng kanyang karelasyon, umuwi na lang sa isang malayong probinsiya ang kanyang mag-iina.

Kuwento ng aming source, “Okey naman sana ‘yung male personality, e. Ang nabigla sa pagiging popular niya, e, ang mga tao sa paligid niya. Sila mismo ang naglakihan ang ulo.

“Pati ang wife niya, siniraan ng mga taong ‘yun, samantalang nu’ng walang-wala pa ang lalaki, e, siya halos ang binubuhay ng babae dahil maayos ang buhay ng kanyang pamilya sa probinsiya.

“Akala siguro nila, e, may forever! Ano na ang nangyari sa kanya, nasaan na siya ngayon, La Ocean Deep na siya!” simulang kuwento ng aming impormante.

Madalas makita ngayon ang male personality na palakad-lakad sa kanilang lugar. Wala lang, lakad lang siya nang lakad, pero parang wala naman siyang malinaw na destinasyon.

“Ni wala na ngang pumapansin sa kanya ngayon du’n. Kasi nga, nu’ng panahong mainit na mainit ang grupo nila, e, parang inilayo rin siya sa mga kapitbahay nila ng mga taong nakapaikot sa kanya.

“Akala talaga siguro nila, e, may forever, kaya lumaki kaagad ang kanilang ulo. E, di nga ba, nu’ng nasa malaking bahay ang male personality na ‘yun, e, isang dakot siyang pasaway?

“Kung anu-ano ang pinaggagagawa niya sa loob, kinokontra niya ang batas sa malaking house, nakakaloka siya, ha? ‘Yun ang mahirap sa mga biglang nakikilala, pinapalakpakan at kumikita na nang maganda-ganda.

“Nakalilimot na sila sa kung saan sila nanggaling, tulad nga ng male personality na ito. Sayang na career, nauwi sa wala!” kuwento pa ng aming source.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, baka sa tagal ng panahon, e, hindi n’yo na siya matandaan. Naaalala n’yo pa ba ang kanyang initials, FF, getlak n’yo na kung sino siya?

Read more...