Pilak para kay Amit

NAGKASYA si Rubilen Amit sa medalyang pilak matapos na mabigo kay Chen Shiming ng China, 5-7, sa finals ng women’s 10-ball sa pagtatapos ng 5th Asian Indoor and Martial Arts Games sa Ashgabat, Turkmenistan.
Agad nahawakan ng 2017 World Games gold medalist na si Shiming ang 4-1 bentahe at hindi na lumingon pa upang maangkin ang gintong medalya.
Si Shiming ang tumalo rin sa isa pang Pinay na si Cheska Centeno sa semifinals ng World Games sa Poland.
Nagawa naman umabante ni Amit sa semifinals matapos kunin ang 7-1 panalo laban kay Parisa Mangli ng Iran sa Ashgabat Olympic Complex.
“Mahusay talaga ang kalaban,” sabi ni Amit. —Angelito Oredo

Read more...