Eroplano bumagsak sa dagat, di pa makita | Bandera

Eroplano bumagsak sa dagat, di pa makita

John Roson - September 25, 2017 - 08:31 PM
Di pa matagpuan ang eroplano na bumagsak diumano sa bahagi ng dagat na malapit sa San Agustin, Romblon, umaga. Nagsagawa ng search operation sa dagat ang mga tauhan ng San Agustin Police, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Coast Guard, Bureau of Fire Protection, at Rural Health Unit pero Lunes ng hapon ay wala pang matagpuan ni debris ng sasakyang panghimpapawid, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police. Base sa impormasyong natanggap ng pulisya, bumagsak umano ang sasakyang panghimpapawid sa bahagi ng dagat na nasa pagitan ng Brgys. Agbayi at Binongaan dakong alas-8:30. Tinatayang 50 kilometro ang layo ng kinabagsakan sa Tablas Airport, ani Tolentino. Unang inulat ng isang kawani ng MDRRMO ang insidente, at may tatlong residente ng Brgy. Binongaan na nagsabing nakita nila ang pagbagsak ng sasakyang panghimpapawid, aniya. Sa natanggap namang impormasyon ng Office of Civil Defense 4B, lumalabas na tila maliit na “private plane” ang nadisgrasya, bagamat di malinaw ang pagkakita umano dito dahil makulimlim ang kalangitan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending