Lovi naka-3 boyfriend pa lang: Wag husgahan ang pagkatao ng babae sa dami ng naging dyowa niya!

HINDI dapat husgahan ang personalidad at ugali ng isang babae sa dami ng naging boyfriend o karelasyon niya. ‘Yan ang ipinagdiinin ng Kapuso actress na si Lovi Poe kasabay ng pagdedenay na 10 na ang naging dyowa niya.

Sa announcement ng bagong fashion-romcom serye ng GMA 7 na may working title na Triple Ex, sinabi ni Lovi na tatlo pa lang ang naging boyfriend niya, “No! Talagang no! Hindi naman 10! Three and a half actually. Ha-hahaha! ‘Yung isa, hindi ko sure kung official!”

Sa pagkakatanda namin naging karelasyon ni Lovi sina Rocco Nacino, dating Ilocos Sur Cong. Ronald Singson at Cavite Vice-Gov. Jolo Revilla. Na-link din siya noon kay Jake Cuenca.

Paliwanag ni Lovi, unfair kung huhusgahan ng mga tao ang isang babae base lang sa dami o konti ng naging dyowa niya, “In terms of asking the number of exes, one explanation is that sometimes people would say, ‘Ha? Ang dami mo nang dineyt. Ang dami mo nang ex.’ Like as if you’re such a bad person.

“First of all, you will meet a lot of people in your life, and some people will treat you like a princess and then fall in love, and then break your heart eventually. So, it’s a whole process of meeting the one,” esplika ng Kapuso leading lady.

Hirit pa niya, “You cannot stick to one partner or just end up with the fourth, ‘Pang-apat ko na ‘to kaya ayoko na.’ Hindi puwedeng ganu’n, e. You shouldn’t think that way. And I don’t care kung ma-judge ako ng ibang tao. As along as you know it’s not about the reputation, it’s about your character.”

Tahimik ang lovelife ngayon ni Lovi sa piling ng kanyang Filipino-French boyfriend na si Cris Johnson. Medyo “maramot” lang ang dalaga sa pagse-share ng detalye tungkol sa relasyon nila sa publiko. Pero sa kanyang Instagram account makikita ang napakarami nilang sweet pictures ni Cris.

Samantala, muling magkakasama sina Lovi at Max Collins sa bagong serye ng GMA (Triple Ex ang working title) together with Rhian Ramos. Tungkol ito sa tatlong babaeng nagmahal sa iisang lalaki ngunit magiging magkakaibigan na dadaan sa kung anu-anong challenges na magpapabago sa kanilang paniniwala at disposisyon sa buhay at sa pakikipagrelasyon.Gagampanan ni Rhian ang karakter ni Zoe, a happy-go-lucky and flirty swimwear designer; Max is Darcy, a strong-willed and practical independent woman; and Lovi is Alex, isang workaholic with a sunny disposition and everything she does is on schedule.

Gagampanan ni Rhian ang karakter ni Zoe, a happy-go-lucky and flirty swimwear designer; Max is Darcy, a strong-willed and practical independent woman; and Lovi is Alex, isang workaholic with a sunny disposition and everything she does is on schedule.

Ito’y sa direksyon ng award-winning na si Maryo J. Delos Reyes na medyo inspired daw ng American TV series na Sex In The City. Abangan ang bagong Kapuso seryeng ito na hindi lang magpapakilig at magpapa-good vibes sa bawat Pinoy dahil siguradong marami ring mapupulot na fashion and beauty tips ang mga viewers mula kina Rhian, Lovi at Max.

Read more...