Jake Zyrus: Mas tumaaas pa ang respeto ko ngayon sa mga tao!

TAMANG-TAMA sa mga broken hearted ang first ever concert ni Jake Zyrus na magaganap sa Okt. 6 sa Music Museum.

Sa isang masaya at kuwelang kwentuhan sa radio/TV show nina Ervin Santiago at Izel Abanilla na #ShowbizLive (tuwing Wednesday, 8 p.m. sa Inquirer TV/Radio), game na game na sinagot ni Jake Zyrus ang mga tanong tungkol sa mga pagbabago sa kanyang buhay at career.

Dito rin niya ikinuwento kung anu-anong mga pasabog ang mangyayari sa kanyang kauna-unahang concert bilang isang transman na may titulong “I Am Jake Zyrus”.

Tawang-tawa kami sa sinabi ng singer na balak daw nilang magkaroon ng “color coding” sa mismong concert para sa mga manonood na may iba’t ibang hugot sa buhay.

“‘Yung mga nanloko ang susuutin blue, ‘yung mga nasaktan red. Para alam po natin kung kanino ko ide-dedicate ang kanta,” biro niya.

Ayon kay Jake, bukod sa pagkanta, makikita rin natin siyang sumayaw. Excited na ang international singer sa kanyang mga dance number dahil matagal na raw niyang gustong gawin ang ganitong konspeto pero hindi raw niya magawa dahil conscious siya sa sasabihin ng mga tao. Pero iba na raw ngayon.

“Ako talaga ‘yung pumili ng songs para maging well-choreographed, so sobrang excited ako kasi ‘yung inspiration para rito, everyone is working so hard for this show,” she said.

Sobrang kulit ni Jake sa nasabing panayam, sunod-sunod siya kung bumira ng mga jokes at punchlines kaya naman pati ang mga hosts ng #ShowbizLive na sina Ervin at Izel ay super nag-enjoy sa interview. Sey ni Jake, ganoon na raw talaga siya noon pa pero hindi lang niya mailabas noong hindi pa siya nag-a-out.
“Kasi siyempre dati, lalo na pag long hair ka kailangan (project), pak, pak! Labas mo ‘yung legs mo, pak! Bawal kang magsalita ng Tagalog. Kailangan, I’m sorry, English only! Pak! Sa mga kaibigan ko ganito ako kaya wag po kayong mawirduhan. Pero hindi po ako ganito sa show. Ha-hahaha!” natatawang sey pa niya.

Ayon din kay Jake, naging malaking pagbabago sa ugali niya nang maging honest siya sa mundo at aminin ang tunay niyang sekswalidad dahil nawala raw yung frustrations niya sa sarili.

May mga pagkakataon daw kasi noon na nagagalit siya sa kanyang sarili kasi hindi na niya gusto ang taong nakikita niya sa salamin dulot ng pagtatago sa tunay niyang gender identity hanggang sa umabot sa punto na naisip niyang magpakatotoo na.

Napag-usapan sa show ang mga pangyayari after maipalabas ang life story niya sa Maalaala Mo Kaya kung saan mas nakilala ng madlang pipol si Jake Zyrus.

“Ang sarap talaga. As I always say kapag tinatanong ako, wala akong ibang intensyon sa MMK kundi mag-share ng experience sa ibang tao na para makita nila, yes it does happen in real life. Hindi fairy tale ang istorya nating lahat,” pahayag ng singer.

Gusto rin niya na ma-inspire ang mga tulad niya at kapulutan ng aral ang kanyang buhay. Dagdag pa niya, ang isa sa mga positive na nangyari sa kanya after MMK, ay talagang na-feel niyang tunay na siyang malaya. Sa katunayan na-touch siya nang magparating ng suporta ang kanyang lola.

“Mas tumaas ngayon ang respeto ko sa mga tao in general. Nakita ko ‘yung respect ng karamihan sa kanila noong tinawag nila ako sa pangalang gusto kong marinig. Mas lumakas yung faith ko sa humanity. Even if we see negative comments here and there, mas nangingibabaw pa rin ‘yung love and that’s what keeps me going everyday,” Jake added.

Even if we see negative comments here and there, mas nangingibabaw pa rin ‘yung love and that’s what keeps me going everyday,” Jake added.

Speaking of MMK. Maraming nakapansin na pwede pala niyang karirin ang pag-arte dahil napakagaling ng performance niya sa nasabing drama anthology.

Ayon kay Jake, nagdalawang-isip pa siyang gawin ang nasabing MMK episode kung saan siya talaga ang aarte pero naisip niyang kailangan para mas maging makatotohanan ang bawat eksena. Dagdag pa ni Jake, sa ilang madadramang eksena raw na ginawa niya ay kinailangan pang itigil ang shoot dahil nag-breakdown talaga siya dahil hindi na kinaya ng kanyang dibdib.

Anyway, sey ni Jake kung kakaririn man niya ang acting, interested siya sa mga indie film, mga heavy drama o kaya’y mga psychological suspense-thriller.

Quickie talk with Jake Zyrus

Beach or gym? Gym
Arianna Grande or Selena Gomez? Selena
Bruno Mars or Justin Bieber? Bieber
Maganda pero slow o Chaka pero super intelligent? Chaka pero super intelligent.
Bedroom or comfort room? Bedroom
Halik or yakap? Yakap
Masaya ako kapag? May Chippy na blue. At saka suka at bagoong.
Unang ginagawa pag gising? Nagwawalis
Huling ginagawa bago matulog? Nagwawalis pa din! Ha- hahaha! Medyo OC kasi ako, eh.
Adik na adik ako sa? Walis! Ha-hahahaha.
Actress na gusto mong makasama o makatambal sa teleserye? Angel Locsin
Hindi ako mabubuhay kapag walang? I feel, eto makaka-relate tayong lahat. Wi-fi connection.
Sexiest actress sa local showbiz? Angel Locsin. Maja Salvador. Liza Soberano.
Kung bibigyan ka ng chance na iligtas ang mundo anong powers ang gusto mo? To be able to change their feelings of hate to love.

Read more...