LOKONG bata rin itong si Ryan Christian, anak nina Cong. Vilma Santos and Sen. Ralph Recto. Kasi nga, tuwing nagdi-dinner daw silang mag-anak, palaging niloloko ni Ate Vi si Lucky (Luis Manzano, ang panganay niyang anak) kung kailan daw siya nito bibigyan ng apo.
Puro mga aso na lang daw kasi nila ang nilalaro ni Ate Vi. Sinabi raw ni Luis na hindi pa sila handa ni Jessy Mendiola pero kung gusto raw talaga niya ng apo, baka pwede raw kay Ryan muna siya humiling.
Bigla raw sumabat si Ryan na kung hindi pa raw sila kayang bigyan ng apo ni kuya Luis niya, puwede naman daw siya ang magbigay.
Reading this item brings us so much joy and fun. Nakakalokang bata itong si Ryan Christian talaga!
Hoy, baby ka pa. Magtapos ka muna ng pag-aaral. Si Kuya mo ang kinukulit ng mommy mo dahil nasa tamang edad na siya. May gatas ka pa sa labi.
That reminds me of what my uncle (Tiyong Luping) said when he was still alive, “mas mahal ang tubo sa puhunan”.
Meaning, ang puhunan kasi ng isang magulang ay ang anak niya at ang tinutukoy niyang tubo ay ang apo. Iba raw ang kaligayahan ng isang lolo or lola pag hawak niya ang apo niya.
Kaya kita niyo naman, meron palaging lolo’s or lola’s pet sa mga apo nila. The favorite apos get the best care and love from their grannies. Pag laking lola or lolo kadalasan ay mababait. Iyan ang napansin namin.
Pag nakakagalitan ng tatay or nanay ang bata, ang sumasangga ay ang kanilang grandparents and wala nang magagawa kung minsan ang kanilang mga magulang kungdi ang manahimik na lang.
Typical Pinoy din si Ate Vi, ‘no? That’s good to know. And I love it!