Anti at pro-Duterte na mga raliyista nagtapatan sa Mendiola

NAGPAKITA ng puwersa ang grupo na tumutuligsa sa administrasyon ng Pangulong Duterte at grupong sumusuporta sa gobyerno sa magkasabay na rali sa Mendiola.

Libo-libong mga kritiko ni Duterte ang nagrali sa harap ng Mendiola Peace Arch, na umabot sa CM Recto Ave.

Binatikos ng mga nagpoprotesta ang gera ni Pangulong Duterte kontra droga at umano’y mga paglabag sa karapatang pantao ng administrasyon.

“Wakasan ang martial law! Biguin at labanan ang panunumbalik ng diktaturya!” sabi ng mga plakard ng mga nagrarali kontra Duterte.

Ipinakita pa ng mga nagpoprotesta ang isang eksena kung saan natagpuang patay ay isa sa mga biktima sa kampanya ng gobyerno kontra droga.

Sa loob naman ng Mendiola arch, nagsagawa rin ng programa ang mga tagasuporta ni Duterte kung saan nagsalita ang mga kilalang suporter ng pangulo.
Karamihan sa mga lumahok ay nakasuot ng orange na t-shirt at sumbrero na nakasulat ang pangalan ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Sinabi ni Police Senior Inspector Leonardo De Guzman, Police Community Precint Commader na tinatayang aabot ang mga nagpoprotesta laban kay Duterte sa 5,000, samantalang umabot naman sa 3,000 ang tagasuporta ng administrasyon.

Read more...