Dinagat niyanig ng magnitude 4.8 lindol

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.8 ang Dinagat kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:19 ng umaga.
Ang sentro nito ay apat na kilometro sa kanluran ng Loreto. May lalim itong 78 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Naramdaman ang Intensity II sa mga bayan ng Loreto at Tubajon.

Read more...