NAKAKALOKA ang ibang netizens na nagre-react violently sa pagtanggap ni Alden Richards ng role as Boni Ilagan, a former student activist, in the GMA News and Public Affairs offering entitled Alaala: A Martial Law Special.
Nananawagan pa ang mga lukaret na dapat ay iboykot daw ng mga Ilocano si Alden for accepting the role dahil kasiraan daw ito ng mga Marcos.
Teka lang, mga hija at hijo, anong pakialam ni Alden sa isyu ng Marcoses? Artista lang siya and he was tasked to portray that role dahil GMA 7 felt that he is fit as Boni Ilagan. Ni hindi pa nga yata ipinanganak si Alden during the Martial Law years, no! Bakit ninyo siya pinepersonal?
Trabaho lang ang ginawa niya and if he didn’t do it, someone will do it. Tsaka, ang documentary na ito ay bahagi ng paggunita sa madugong Martial Law na totoo namang nangyari – anong pinagsisintir ninyo? Just because it touched the regime of the Marcoses na nagkamal ng pera ng bayan at pumatay ng libu-libong Pinoy during their reign? Hindi ito pang-iinsulto sa mga Ilocano, it’s just a story na hindi naman gawa-gawa.
And why pick on Alden? Ang obligasyon lang niya bilang aktor ay ang maging epektibo sa papel na in-assign sa kanya, nothing else. Anong sinasabi ninyong pera-pera lang ang batayan ni Alden para tanggapin ang role? What do you know about his career as an actor? Malay naman ninyo kung hindi nagpabayad si Alden or what? Ang bilis ninyong humusga.
Natural na babayaran si Alden ng istasyon bilang artista nila for this project. Krimen na ba iyon for any actor to portray any role given to him? Itong mga ito, di rin nag-iisip nang tama. Puro na lang panghuhusga at kung anu-anong kabulastugan. If you have anything personal against Alden who is just working well, eat your hearts out. Napaka-OA ninyo.
And why generalize all the Ilocanos? Sa tingin ninyo ba ay sang-ayon ang lahat ng Ilocanos sa Martial Law in the past? Nagkataon lang that they were treated a little special because the Marcoses are Ilocanos but it doesn’t mean na sang-ayon sila sa Martial Law noon. Intelligent and decent Ilocanos know what to do and think – wag niyo silang lahatin.
Naku, Alden anak. Dedmahin mo ang mga baliw na iyan. Mga nagmamarunong. You don’t have to worry because you are just doing your job. Inggit lang ang mga iyan. Yung iba naman, takot lang na mabunyag ang ilang lihim pa nung Marcos administration. It’s part of history kaya hindi nila ito burahin sa libro ng kasaysayan.
In fact, dapat maging proud ka pa nga Alden dahil nakagawa ka ng isang makabuluhang project. Huwag mo silang pansinin, matutuwa pa ang mga iyan pag nag-react ka.