Madlang pipol nabastusan sa pagpapatawa ni Jhong

JHONG HILARIO

MARAMI naman kaming natanggap na komento hinggil sa ginawa ni Konsehal Jhong Hilario sa It’s Showtime.

Napanood namin sa I-Want TV ang naturang episode noong Sept. 15, kung saan parang isang laruan lang na hinubad ni Jhong ang kanyang suot na sapatos at paikutin sa mukha at bibig niya.

Nagkakabiruan sila ni Vice Ganda at bilang reaksyon ay ganu’n nga ang ginawa ni Jhong.

Marami ang na-turn off rito at tinawag na very toilet ang humor ng konsehal at very trying hard na ang pagpapatawa nito lalo pa’t isa na siyang public servant ngayon.

Hmmmm, magtataka pa ba tayo kung ganyan din naman ang gawi ng ilan sa matataas na opisyal sa gobyerno na kung umasta sa mga hearing sa Senado o Kongreso ay parang mga komedyanteng nagpapatawa.

Read more...