Gilas pangungunahan ni 7-1 Isaiah Austin | Bandera

Gilas pangungunahan ni 7-1 Isaiah Austin

Inquirer.net - September 20, 2017 - 12:15 AM

SA kanyang unang pagsabak bilang miyembro ng Gilas Pilipinas men’s basketball team ay agad na mabibigyan ng malaking papel si Isaiah Austin sa koponang lalahok sa 2017 Fiba Asia Champions Cup sa Chenzhou, China mula Setyembre 22 hanggang 30.
Ang 7-foot-1 na si Austin ang tatao sa gitna para sa pambansang koponan na mamanduhan ni national coach Chot Reyes.
Si Austin ay isa sa mga kandidato bilang bagong naturalized player ng Gilas Pilipinas. Dumating siya sa bansa noong isang linggo at agad na sumalang sa ensayo kasama ang iba pang miyembro ng koponan.
Kasama rin sa koponan sina Kiefer Ravena at Carl Bryan Cruz na nanguna naman sa gold medal campaign ng Pilipinas sa katatapos na 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur.

Maglalaro rin sa Fiba Asia Champions Cup sina Raymar Jose, Almond Vosotros, LA Revilla, Norbert Torres, Jett Manuel, Alfrancis Tamsi, import Rod Ebondo at ang magkapatid na sina Jeron at Jeric Teng.
Nasa reserve list naman sina Gab Banal at Andre Paras.

Maaring magsama ng dalawang import ang mga koponan sa Fiba Asia Champions Cup.
Ang Gilas Pilipinas ay napabilang sa Group A kasama ng ONGC ng India, Mono Vampire ng Thailand, Petrochimi ng Iran, at Sarreyet Ramallah ng Palestine.
Ang naturalized Filipino player na si Andray Blatche ay maglalaro para sa Group B team Xinjiang Flying Tigers na kanyang koponan sa liga sa China.
Nakatakdang lumipad patungong Chenzhou ang koponan sa araw na ito.
Sinabi naman ni Reyes na walang obligasyon ang mga PBA teams na ipahiram ang mga manlalaro nito sa Gilas Pilipinas.

“When we put this together, this wasn’t even in the plan,” sabi ni Reyes.

“This tourney was not part of the discussion with the PBA. To be fair to the PBA, they have no obligations to this team.”
Hindi kasama sa koponan ang mga mainstay ng Gilas na tulad nina Terrence Romeo ng GlobalPort at Calvin Abueva ng Alaska.
“The agreement we had with the PBA is if their tournament is over, we can get them. Calvin and Terrence showed up in our first practice, but I told them that they shouldn’t be here and I was serious with that,” dagdag pa ni Reyes.
“This is a club championship, not a national team competition.”
—Inquirer.net

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending